Darang sa Baga (Ika-102 na labas)
December 23, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
UMALIS ako sa harap ni Liza. Iyon ang tamang paraan para makaiwas ako sa gulo. Nagtungo ako sa kusina.
Pero sumunod sa akin si Liza. Ayaw akong tigilan. Hinahamon talaga ako ng away.
"Huwag mo akong talikuran, bastos!"
Tumigil ako at tiningnan siya nang matalim. Ayaw kong magsalita at baka marinig ni Fil ay baka kung mapaano na naman. Pero nagpipigil na talaga ako. Gusto ko na siyang sampalin at sabunutan kagaya ng ginawa ko kay Jen.
"Hindi ka namin titigilan ni Jen hanggat hindi ka napapalayas dito. Ang akala mo siguro pinagalitan ako ni Daddy kanina, matatakot ako. Hindi ako natatakot "
Nagtuloy ako sa kusina. Kung susundan pa rin niya ako at pagsasalitaan nang masakit hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Pero hindi na siya sumunod sa akin. Hanggang sa marinig ko ang pagbubukas ng pinto. Lumabas na si Liza. Pinalampas ko ang ilang minuto bago ako lumapit sa pinto at saka isinara iyon.
Nakahinga ako nang maluwag. Saka lamang ako nakadama ng kapaguran. Ayaw ko na yata. Bakit ba nasangkot pa ako sa buhay ni Fil na pawang problema pala ang ihahatid sa akin. Sana ay hindi na lamang ako pumatol kay Fil. Hindi sana ako namumroblema ngayon.
Itutuloy

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended