^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-95 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

NAGMAMADALI akong nagtungo sa kuwarto. Kailangang makainom ng gamot si Fil. Mabuti at hindi nalaglag sa bulsa ng jogging pants ko ang gamot ni Fil.

"Fil!" tawag ko nang makapasok sa kuwarto. Hindi kumikilos si Fil. Kapag ganoong hindi siya sumasagot ay nag-aalala ako. Baka... baka... iniwan na ako.

"Fil!"

Saka kumilos.

"B-bakit?" tanong.

Nakahinga ako nang maluwag Salamat. Natutulog pala.

"Eto na ang gamot mo."

"M-matagal k-ka?"

"A, e walang maisukli sa botika. Saka ang daming tao," pagsisinungaling ko. Pero sa totoo lang gusto ko nang sabihin sa kanya ang lahat. Kaysa naman maunahan ako ni Jen.

"A k-kala ko’y i-iniwan mo na a-ako..."

"Ba’t naman kita iiwan?"

"B-baka nag-sasawa k-ka na sa a-akin..."

Pinisil ko ang kanang kamay niya.

"Eto uminom ka muna ng gamot. Tapos paliliguan na kita."

Binuksan ko ang gamot. Dinampot ko ang tubig sa mesa.

Isinubo ko ang gamot. Pinainom ko.

"S-salamat, Nena."

Ibababa ko ang baso nang may mapansin sa mukha ko.

"P-parang m-may p-pasa ka s-sa pisngi, Nena..."

Hindi agad ako nakakilos. (Itutuloy)

AKO

BINUKSAN

DINAMPOT

ETO

GAMOT

IBABABA

MANDALUYONG CITY

NENA

SAKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with