^

True Confessions

Darang sa Baga (90)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

MALAKI ang inihina ng katawan ni Fil mula nang magkaroon nang grabeng lagnat. Siguro’y dahil na rin sa pag-iisip. Noon ko rin napatunayan na kahit gaano karami ang pera ng tao ay wala ring halaga kapag may sakit na. Hindi makatutulong ang pera. Kahit magpagamot nang magpagamot hindi rin maipanunumbalik ang dating kalusugan. Isa pa nga’y may edad na rin si Fil. Bumibigay na ang dating malakas at aktibo niyang katawan.

"M-mag-asawa ka Nena kapag natigok na ako ha?" Laging inuulit ni Fil ang mga salitang iyon. Parang nagbibiro pero sa loob ng puso ay halata namang totoo.

"Huwag ka nang magbiro ng ganyan! Ayokong pag-usapan ang kamatayan."

"K-kasi’y p-parang h-hindi na ako t-tatagal…"

"Paulit-ulit mong sinasabi ‘yan."

"P-para a-alam m-mo na ang g-gagawin m-mo. H-hindi na-naman t-ayo kasal kaya l-libre k-ka n-na."

Iyon din lang ang gustong pag-usapan ni Fil kaya pinagbigyan ko.

"Kung mag-aasawa ako pipili rin ako ng mayaman gaya mo."

"E p-pamamanahan naman kita. B-bat mayaman p-pa ang p-pipiliin mo?’

"Ako pamamanahan mo?"

"O-oo."

"E di inaway lalo ako ng mga anak mo."

"A-akong ma-masusunod at h-hindi sila!"

"Huwag na Fil. Hindi naman tayo kasal. Wala akong habol."

""B-basta p-pamamanahan kita."

"Siya, sige na. Matulog ka na at baka mabinat ka pa!"

Kung mayroon man akong dinarasal sa pagkakataong iyon, iyon ay ang kahilingan sa Diyos na huwag munang kunin sa akin si Fil. Magiging masakit sa akin. Magiging kalbaryo sa akin ang lahat. Imagine, pagnamatay si Fil, tapos na rin ako. Siyempre iaabandona ko na ang condo. Hindi na ako maaaring tumira rito dahil hindi naman kami kasal ni Fil. At sigurado, si Jen na ang unang-unang magpapalayas sa akin. Baka ipagtabuyan ako sa labas. Sigurado ko, ganoon ang mangyayari.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AYOKONG

BUMIBIGAY

FIL

HUWAG

MAGIGING

MANDALUYONG CITY

NENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with