Darang sa Baga (84)
December 5, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
NAGTUNGO ako sa banyo. Hinubad ko ang aking damit, shorts at panty at pagkatapos ay tinodo ko ang bukas sa shower. Masarap ang bagsak ng tubig sa aking hubad na katawan. Kahit paano pinahupa ang init na namumuo. Nagsabon ako. Ilang ulit. At tumapat muli sa shower. Masarap!
Naalala ko ang huling sinabi ni Fil na bata pa ako at nasa kainitan. Tama siya. Nasa kainitan ako at kung ano ang nadarama niyang pagkasabik sa "laman" ganoon din ako. Tao din lang ako.
Kawawa raw naman ako dahil sa nangyari sa kanya. Hindi direkta ang pagkakasabi su-balit malinaw ang ibig sabihin, hindi na niya ako kayang paligayahin. Hindi na gaya ng dati na masarap ang aming pagtatalik. Kung kailan makagusto ay puwede.
Kanina ay sinabi ko sa kanya na maaari naman akong magtiis sa kalagayan niyang iyon. Hindi ako tiyak sa sinabi kong iyon. Habambuhay nang ganoon si Fil. Maaaring kamatayan na niya ang pagkaparalisado. At ang isipin na ganoon siya habambuhay ay napakahirap para sa akin. Ibig sabihin, ganoon katagal ang ipagtitiis ko.
Napapikit ako. Muli akong tumapat sa sho-wer. Nilunod ko ang kasawian sa bagsak ng pinong tubig. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended