^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-78 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

AKALA ko mababawasan ang pagiging tigre ni Jen at hindi niya bibigyan ng problema ang amang maysakit. Hindi pala. Lalo pang ipinakita ang pagiging tigre nang dumalaw sa kanyang ama.

Sinisi ako. Bakit daw inilabas ko ng ospital ang kanyang daddy na hindi man lamang sila inabisuhan? Isinumbat niya iyon habang nasa kusina kami. Sinundan ako roon. Para nga naman hindi marinig ng ama ang gagawing pagtataray sa akin.

"’Langya, sinolo mo naman lahat," sabing may diin. "Alam mo naman na may dalawang anak pa si Daddy. Kapag may nangyari sa kanya kami rin naman sigurado ang tatakbuhan mo at aabalahin…"

Masakit ang dating sa akin ng mga salita niya. Sumagot ako. "Tinawagan ko si Liza. Wala siya kaya nag-decide na akong ilabas ang daddy mo…"

"Ako ba’t di mo tinawagan?"

Nag-iinit na ang punong taynga ko sa sarkastikong tanong niya na parang busabos akong ituring. Pinilit ko pa ring maging malamig.

"Hindi ko alam ang phone number mo."

"E ba’t kay Ate Liza alam mo?"

"Excuse me hindi ko talaga alam ang number mo."

"Sabihin mo, gusto mong maging bayani…"

Nagpapanting na talaga ang taynga ko. Malapit nang sumabog ang bulkan.

"Masyadong kang maepal…" sabi pa.

Sagad na ako. Pero bago pa ako nakasagot ay narinig ko ang tawag ni Fil. Parang nakalahata yata sa nangyayari sa kusina kaya tinawag ako. Mabilis akong nagtungo sa kuwarto. Hindi naman sumunod si Jen.

"Bakit Fil?"

"A-ang s-sakit ng l-likod ko…"

Nilapitan ko at minasahe ang likod ni Fil.

"A-ano ba-bang ginagawa mo sa kusina?"

"Naghuhugas ng pinggan."

"Dito ka na lang lagi sa tabi ko."

"Oo."

Maya-maya ay nakita kong pumasok sa kuwarto si Jen. (Itutuloy)

AKO

ALAM

ATE LIZA

BAKIT

BAKIT FIL

DITO

ISINUMBAT

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with