Darang sa Baga (Ika-67 na labas)
November 18, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
PINAGPAWISAN ako nang makita kung sino ang kumakatok sa pinto. Hindi si Jen na anak ni Fil kundi ang dati kong siyota na si Carlo. Paano niya nalaman ang aming tirahan?
Umalis ako sa pagkakasilip sa binata at sumandal sa pader. Butil-butil ang pawis sa noo ko. Hindi ko malaman ang gagawin. Naririnig ko pa rin ang katok niya sa pinto. Marahan ang katok. Nanatili ako sa pagkakasandal sa pader. Hindi ako kumikilos. At pakiramdam ko, hindi talaga ako makakilos dahil sa pagkagimbal na narito si Carlo. Parang nanigas ang mga binti ko. Ano ang balak ni Carlo ngayon?
"Nena! Nena!"
Ang tinig na iyon ay siguradung-sigurado ko. May tigas sa tinig. Halatang may galit na naghahandang pumutok.
"Nena! Papasukin mo ako! Mag-usap tayo."
Hindi ako kumikilos. Ni ga-kurot na ingay ay hindi ako gumawa. Gusto kong maniwala siya na walang tao sa loob. Mabuti nga at naipayo ni Fil na isara ko ang pinto. Ganoon daw ang gawin ko para hindi na magpumilit ang anak niyang si Jen na pumasok sa loob. Huwag na huwag ko raw papapasukin.
Patuloy ang katok sa pinto. Marahan. Hanggang sa tumigil na. Nakiramdam ako. Maaaring nagpapahinga lamang si Carlo sa pagkatok at pagtawag.
Pero limang minuto na ang nakalipas ay wala na akong narinig. Pero naisip ko baka taktika lamang iyon. Lalo akong nag-ingat na huwag gumawa ng ingay.
Sampung minuto ang nakalipas at wala na akong narinig. Dahan-dahan akong kumilos para silipin sa bintana si Carlo. Gusto kong makatiyak. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended