Darang sa Baga (Ika-50 na labas)
November 1, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Madaluyong City)
"HALIKA na sa loob, Nena. Masyado nang malamig ang simoy ng hangin. Baka sipunin tayo "
Tumindig kami. Nakaakbay sa akin si Fil nang pumasok kami sa loob. Katamtaman ang lamig ng temperatura sa loob ng cottage. Hindi na kailangang mag-aircon. Ang lamig na nanggagaling sa labas ang nadarama namin. Iyon ang isang masarap sa probinsiya, hindi na kailangan ang aircon. Sariwang-sariwa ang hanging malalanghap.
"Ang sarap nga pala rito sa Pinamalayan resort ano, Fil," sabi ko nang nasa loob na kami ng kuwarto. Mabango sa loob. Fresh na fresh.
"Kapag summer ay lagi kami rito ng mga anak ko. Nang mag-asawa ang panganay kong anak, kami na lang ng bunso ang nagpupunta rito."
"Masarap talaga rito. Napakatahimik pa."
"Lagi na tayong pupunta rito. Mas lalo nang masarap dito kapag Mahal na araw. Tahimik na tahimik. Damang-dama ang kuwaresma."
"Tayong dalawa lang?" tanong ko.
"Siyempre naman tayong dalawa lang."
"Paano kung yayain ka ng anak mong bunso?"
"Hindi na magyayaya yon dito. Dalaga na siya at siyempre may ibang barkada na yon "
Sana nga, nasabi ko sa sarili. Malakas kasi ang kutob ko na maaaring mangyari ang naisip ko tungkol sa anak niya.
"E paano kung biglang ka niyang yayain dito, Fil?" ulit ko.
"Hindi magyayaya yon. Maniwala ka sa akin."
"Paano mo nasiguro?"
"Basta. At kapag niyaya ako, gagawa ako ng dahilan. Hindi na mangungulit iyon."
"Baka awayin ka ng anak mo kapag nalamang dahil sa akin kaya hindi ka na mayaya."
"Huwag na nga nating pag-usapan ang anak ko puwede. Mag-ano na lang tayo pwede "
Pinatay ni Fil ang ilaw.
"Ayoko nang madilim Fil."
"Bakit?"
"Basta."
Binuhay niya ang ilaw.
"Sabagay mas maganda kung may ilaw para nakikita ko lahat-lahat. Hindi ko pa napagmamasdan yan ng close-up."
"Bastos!" (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended