^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-48 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Madaluyong City)

HABANG lumalalim ang gabi ay lumalakas ang ihip ng hangin at malamig na ang hatid sa aming balat. Nalalanghap ko ang amoy-dagat. Niyakap ako ni Fil. Mahigpit. Nawala ang lamig na aking nadarama.

"Gusto mo sa loob na tayo?" tanong ni Fil.

"Mamaya pa. Gusto ko pang pagmasdan ang mga bangkang nasa laot."

"Hindi naman kumikilos ang mga ‘yan. Mamaya pang madaling-araw ang mga yan mag-uunahang pumunta sa dalampasigan."

"Bakit ba wala silang kakilus-kilos?"

"Nangingisda sila. Nag-aabang sa huli ng lambat at mga bingwit."

"Paano kung abutin ng bagyo sa laot?"

"Yan ang mahirap. Wala silang magagawa kundi iwan ang laot at pumunta sa tabi para hindi sila mapahamak."

"Bakit alam na alam mo ang gawain ng mga mangingisda, Fil?"

"Anak ako ng mangingisda…"

"Owww?"

"Totoo, Nena. Nagsumikap lamang ako kaya naging manager ng isang kompanya. Kung hindi ako nagpilit makaalis sa aming probinsiya baka hanggang ngayon e mangingisda pa rin ako."

"Hindi halata sa itsura mo na dati kang mangingisda," sabi ko at hinimas ang kanyang braso. "Ang kinis kasi ng balat mo Fil."

"Dati e me kaliskis ‘yan…"

"Yakkk! Siyokoy?"

"Baka higit pa sa siyokoy, he-he-he!"

"Kadiri. Mabuti at naging makinis ka."

"Siyempre kapag nakaluwas ka na ng Maynila, magbabago ang itsura mo."

"Paano ka nakatapos ng pag-aaral at naging matagumpay?"

"Mahabang kuwento," sagot ni Fil at hinapit ako ng yakap. "Malakas kasi ang loob ko. Nagpaalila muna ako sa isang mayaman. Kapalit nun e pinag-aral ako. Me talino naman ako kaya nakatapos at eto…"

"Ang mga kapatid mo?"

"Pinag-aral ko rin sila at may mga magaganda nang bu-hay. Hanggang ngayon kapag may mga kamag-anak akong humihingi ng tulong para mapag-aral ang anak, tinutulungan ko…"

"Sana pala noon pa kita nakilala at nagpaalila ako sa’yo."

"E di hindi sana ganito ang buhay natin."

"Oo nga ano?" (Itutuloy)

AKO

ANAK

BAKIT

DATI

MADALUYONG CITY

MAMAYA

NENA

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with