Darang sa Baga (35)
October 17, 2005 | 12:00am
"Wala!" sagot ko.
"Iniisip mo siguro kung bakit hindi kita inaalok ng kasal ano?"
"Hindi."
"Akala ko iyon ang iniisip mo?"
Natigilan ako. Mabuti at siya ang nag-open nun. Hindi bat iyon ang una kong naisip nang gabing ipagkaloob ko ang sarili sa kanya. Bakit hindi binabanggit ang kasal? O baka gusto lang akong parausan? Nagkaroon ako ng lakas ng loob na itanong iyon. Nawala na sa isip ko si Carlo.
"E bakit nga ba hindi mo ako inaalok ng kasal?"
Eksaktong nakatigil kami dahil stop. Tumingin sa akin si Fil.
"Bakit Fil?" tanong kong muli.
"Me problema sa bunso kong anak na babae. Ayaw niyang may makakapalit ang mommy niya..."
"Akala ko sabi mo, walang problema sa mga anak mo dahil me sarili na silang buhay?"
"Wala ngang problema dahil hindi ko naman siya susundin..."
Nakahinga ako nang maluwag.
"Baka kapag binisita ka ng anak mo e awayin ako."
"Hindi."
Tumatakbo na kami sa EDSA. At least napanatag ang loob ko na hindi lamang pala ako parausan ni Fil. Asawa pala talaga ang hanap niya.
Nang malapit na kami sa Novaliches ay naalala ko si Carlo. Ano kaya ang gagawin kapag nalamang may asawa na ako. Baka hindi matanggap. Baka kung ano ang gawin.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended