^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-24 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

MALINIS na malinis ang bahay. Lahat ng gamit ay nasa kaayusan. Naisip ko, napakaganda namang gawing "motel" ang bahay na ito. Hindi magandang dungisan ang kalinisan.

"Okey ba ang bahay?" tanong ni Mr. Reyes at binuksan ang TV.

"Mabuti at walang magnanakaw dito?" tanong ko. "Ang dami mong gamit…"

"Walang magnanakaw dito. Takot dahil may guwardiya. Isa pa, binibigyan ko ng pera yung guwardiya para pasyalan itong paligid ng bahay…"

"Sinong naglilinis?"

"Tuwing Sabado e mayroon akong pinaglilinis. Asawa ng guwardiya. Regular iyon. Sabado at Linggo kasi e narito ako. Dito ako natutulog…"

Umupo ako sa sopa. Napakalambot. Halatang wala pang nakauupo. Tumabi sa akin si Mr. Reyes. Sa isip ko ay naglalaro na malapit nang maganap ang lahat – hindi na aabutin ng umaga at maaangkin ako ni Mr. Reyes.

"Gusto mong dito na tumira Nena?" mahina ang pagkakasabi niya pero dumagundong iyon sa taynga ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Magsama na tayo. Dito kita ititira…"

Hindi ako nakapagsalita. Lumalalim ang pagkatao ni Mr. Reyes. Seryosohan na. Hindi lang yata parausan ang hangad sa akin o nagbibiro lang.

"Baka binibiro mo na naman ako Sir?"

"Huwag mo nga akong tawaging Sir Nena…"

"Anong itatawag ko sa iyo."

"Fil."

"Ano ba yung Fil?"

"Filemon."

Pinigil ko ang pagtawa.

"Ganda ng pangalan ko no?" tanong at inakbayan ako.

"Binibiro mo na naman ako Fil…"

"Totohanan na ito. Ibabahay na kita. Gusto mo?"

Ano pa ang isasagot ko? Oo. Mas may kinabukasan ako kay Fil kaysa kay Carlo. Maaaring mabago ang buhay ko dahil kay Fil.

"Halika na. Matulog na tayo…"

Heto na. Hindi matatapos ang gabing ito at pag-aari na ako ni Fil. (Itutuloy)

AKO

ANO

ANONG

DITO

MANDALUYONG CITY

MR. REYES

NENA

SIR NENA

TUWING SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with