Darang sa Baga (20)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

HINAYAAN ko ang kamay ni Mr. Reyes na nakapatong sa aking hita. Manipis ang suot kong palda kaya mabigat ang pagkakapatong doon. Siguro’y hindi sinasadyang naipatong dahil sa pagkaaliw sa pinanonood. Wala naman akong mauna- waan sa pelikula sapagkat naglalakbay ang isipan ko. Maraming iniisip. Hindi ko alam kung ano ang kasunod ng pakikipagdate kong ito sa aking boss. Pero meron na akong nakahandang plano. Kung gagawin akong kabit o parausan ni Mr. Reyes, maaaring pumayag na rin ako. O kung seseryosohin ako, mas lalong okey. Mabait naman siya. Malaki ang pagkakataon kong umunlad sa buhay at makamit ang mga pinapangarap ko. Hindi lamang ako ang makikinabang kung sakali kundi pati na ang aking ina at kapatid. Matutulungan ko silang maiahon sa hirap.

"Sorry Nena," sabi ni Mr. Reyes at inalis ang pagkakapatong ng kamay sa hita ko.

Hindi ko alam kung nagtotorpe-torpehan si Mr. Reyes.

Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong muli sa hita ko.

"Ba’t ka nagso-sorry?" tanong ko.

Hindi nakapagsalita. Ngayong ako na ang gumagawa ng hakbang ay siya naman itong natameme.

"Giniginaw ka ba Sir?"

"Medyo."

Humilig ako sa balikat niya. Gusto ko na rin ang matandang ito. Mas may kinabukasan ako sa piling niya.

"Nena…"

"Sir…"

Humigpit ang hawak ni Mr. Reyes sa hita ko. Kumakapit.

"Sir…"

Hindi na yata ako narinig. Yumakap sa akin. Mabuti na lamang at madilim. Mabuti rin at abala ang mga parehang kalapit namin.

"Gusto mo lumabas na tayo, Nena?"

"Ikaw ang bahala, Sir… Eto na ang hinihintay ko. Bahala na. Kaysa naman sa isang walang pangarap na lalaki ako matali habambuhay. Kay Sir na lang na may pag-asang makamtan ang mga pangarap.

(Itutuloy)

Show comments