^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-18 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

MARAMING beses na rin akong sumamang manood ng sine kay Carlo pero kakaiba ang nararamdaman ko ngayong kasama si Mr. Reyes. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit naging sunud-sunuran sa kanya habang hawak niya ang kanang palad ko. Naging masunurin ako sa matanda.

Unti-unti nang lumiliwanag ang paligid. Naaaninaw ko na ang mga ulo ng mga nanonood. Marami rin pala ang nanonood. Hindi ko alam ang pamagat ng movie. English iyon.

Nakakita ng bakante si Mr. Reyes sa ikalimang hanay. Tinungo namin iyon. Hawak pa rin ang palad ko. Nag-eexcuse si Mr. Reyes sa mga nakaupo. May anim na taong nakaupo ang aming nalampasan bago narating ang upuang bakante. Pinaupo ako ni Mr. Reyes at pagkatapos ay siya.

"Mabuti at may nabakante," sabi ni Mr. Reyes.

"Ano bang title ng sine Sir?"

"Hindi ko alam."

Napahagikgik ako. Hindi rin pala niya alam. O nagbibiro lang.

"Mamaya pagnatapos ang sine malalaman din natin ‘yan."

Napahagikgik uli ako.

Nanonood kami. Sa tingin ko ay maganda ang pelikula. Medyo comedy. Hindi ko kilala ang bida.

Naramdaman ko ang pagdikit ni Mr. Reyes sa balikat ko. Kasunod ay ang pagpatong ng braso sa katangan ng upuan ko. Baka lilikutin na ako ng matandang ito. (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

HAWAK

ITUTULOY

KASAYSAYAN

KASUNOD

MAMAYA

MANDALUYONG CITY

MR. REYES

NAPAHAGIKGIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with