Darang sa Baga (Ika-12 na labas)
September 24, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
FIVE MINUTES bago mag-alas sais ay sinabi sa akin ni Mr. Reyes na bumaba na ako at hintayin siya sa may gate. Dadaanan niya ako roon. Kukunin lang niya ang kotse sa garahe.
"Baka may makakita sa akin Sir e baka isiping mag-ano tayo," inulit ko ang sinabi kanina.
"Huwag kang matakot "
"E kung doon sa kanto ko na ikaw hintayin Sir?"
"Maglalakad ka pa?"
"Malapit lang naman. Natatakot kasi akong may makakita sa atin, Sir pagsakay sa kotse "
"Sige. Hintayin mo ako sa kanto."
Bago bumaba ay nag-CR uli ako. Nagpahid ng pulbos at lipstick. Sinipat ko ang sarili sa salamin. Maganda naman ako.
Pagkaraay lumabas na ako at bumaba. Naghagdan lamang ako.
Dumaan ako sa may guwardiya. Naroon ang time card. Kinuha ko at nagpunch. Nginitian ako ng guwardiya. Nginitian ko rin.
"Gabi ka na Nena," sabi.
"Overtime "
"Lalo kang gumaganda," sabi at nilagkitan ang tingin.
Tumawa lang ako.
Ibinalik ko ang card sa rack at lumabas na. Mabilis akong naglakad. Naroon na at naghihintay ang kotse ni Mr. Reyes. Ang bilis naman ng matanda. Atat na atat na yata.
Mga ilang hakbang pa ang layo ko sa kotse ay binuksan na ni Mr. Reyes ang pintuan sa unahan. Inihanda na para sa akin. Planado na talaga ng matanda.
Sumakay ako sa kotse. Nalanghap ko ang lemon scent. Fresh na fresh.
"Ang bilis ko ko?" sabi ni Mr. Reyes at pinatakbo na ang kotse. Dumaan sa Mantrade. Kumaliwa sa EDSA at tumakbo na kami sa EDSA.
"Anong sabi ng siyota mo?"
Hindi agad ako nakasagot kay Mr. Reyes. Ang totoo, si Carlo ang iniisip ko ng mga sandaling iyon.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended