^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-11 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

KINABAHAN ako sa pagtawag ni Carlo. Siguro’y titiyakin kung makararating ako sa Quiapo gaya ng usapan namin. Alas-sais ang usapan namin. Birthday ni Carlo at kakain kami sa labas.

"Hello," sabi ko.

"Hello Nena. Ano? Yung usapan natin mamaya? Hihintayin kita."

Nilamigan ko ang boses nang sumagot. Napansin kong bumalik sa kanyang mesa si Mr. Reyes at ipinagpatuloy ang pagpirma sa papeles.

"Hindi ako makararating Carlo," sabi ko na bahagyang hininaan ang boses.

"Bakit?"

"Mag-oovertime kami. Kailangang-kailangan."

"’Putsa naman. Sinong makakasama ko sa pagselebreyt ng birthday ko?" "Sa ibang araw na lang ha, Carlo."

"Sinong kasama mo diyan?"

"Boss ko."

"Siya ba yung sumagot sa akin?"

"Oo."

"Ilan kayong mag-oobertaym?"

"Apat kami," pagsisinungaling ko.

"Mamaya tawagan uli kita."

"Dito sa opis?"

"Oo. Saan pa?"

"Huwag na."

"Bakit?

"Magagalit ang boss ko. Ayaw niyang may tumatawag dito sa opisina lalo na kung oras ng trabaho at walang kaugnayan sa negosyo…"

"Putsa naman."

"Sa ibang araw na lang tayo kumain, pwede?"

"Ano pang magagawa ko?"

Ibinaba ang telepono. (Itutuloy)

ANO

APAT

BAKIT

HELLO NENA

MANDALUYONG CITY

MR. REYES

OO

PUTSA

SINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with