^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-25 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Editor’s note: Ito ay kasaysayan ni Mrs. Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher na matagal nagturo sa Wisconsin, USA. Graduate siya ng University of the Philippines (UP). Bago nagtungo sa US ay nagturo muna siya sa Ateneo de Manila.

Fifty four years old siya nang makilala si Dr. Benjamin Victoria, isang obgyne. Ikinasal sila noong 1990.

Nagbalik sila sa Pilipinas noong 1996 at dito na nanirahan. Inatake ng aneurism si Azucena noong 2003 at na-comatose na mula noon.

Sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ng kanyang asawang si Dr. Benjamin Victoria. Ang masaklap, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa sa mga caregiver.

Nagsampa ng petisyon sa Korte ang walong kapatid ni Azucena upang ma-terminate ang Guardianship ni Dr. Victoria at ganoon din sa mga ari-arian ng pasyente.

Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang pangyayari sa buhay ni Azucena makaraang dumulog ang isang malapit na kakilala ng kanyang pamilya para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kaawa-awang kalagayan.

Narito ang karugtong ng kasaysayan ni Mrs. Azucena Victorino-Victoria.
* * *
BIGLANG-BIGLA nga ang desisyon ni Azucena na magbalik sa Pilipinas para manirahan. At iyon ay labis na ipinagtaka ng kanyang walong kapatid. Ano ang nakain ni Azucena at biglang nabago ang plano. Hindi nga nila malimutan ang sinabi ni Azucena noon na sa Wisconsin na siya aabutan ng pagtanda. Sa lugar na iyon na siya mamalagi. Kaya pinagsikapan niyang makapagpundar ng ari-arian at nag-ipon nang nag-ipon ng pera. Mas gusto niyang mamuhay sa US kaysa Pilipinas. Ganoon man, hindi rin kinalilimutan ni Azucena na magbakasyon sa Pilipinas.

Ang desisyon ni Azucena sa pagbalik-Pinas ay labis na nakabahala sa walong kapatid ni Azucena. Hindi kaya dahil sa asawang si Benjamin kaya ura-urada ang balak nitong sa Pilpinas na manirahan? Hindi kaya merong tinatakasan?

Ganoon pa man, hindi na nila pinanghimasukan pa kung anuman ang dahilan at biglang nagbago ang desisyon ng kanilang kapatid na si Azucena. May sarili na itong buhay at alam nilang matalino at marunong itong magdesisyon para sa sarili. At maligaya na rin sila kung makikitang maligaya ang kanilang kapatid. At nakikita naman nilang walang problema si Azucena mula nang magpakasal kay Benjamin.

Noong 1994, apat na taon makaraan silang ikasal ni Benjamin, unti-unti nang inihanda ni Azucena ang mga gagawin sa pagbabalik sa Pilipinas. Unang plano ay ang pagbili ng lupa para patayuan ng bahay. Sa Baguio umano nais manirahan ni Azucena dahil sa magandang klima pero nagbago ng isip at sa Tagaytay na lamang bumili ng lupa —-sa Southridge Estates.

Tinayuan iyon nang magarang bahay at nang makumpleto noong 1996, nagbalikbayan na ang mag-asawa.

(Tatapusin)

AZUCENA

DR. BENJAMIN VICTORIA

DR. VICTORIA

GANOON

MRS. AZUCENA VICTORINO-VICTORIA

PILIPINAS

PILIPINO STAR

SA BAGUIO

SOUTHRIDGE ESTATES

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with