Unti-unting pinapatay ang aming kapatid (Ika-20 Labas)
September 6, 2005 | 12:00am
Editors note: Ang matutunghayan ay kasaysayan ni Mrs. Azucena Victoriano-Victoria, isang retired teacher na nagturo sa Wisconsin, USA. Nakilala niya roon ang ob-gyne doctor na si Benjamin Victoria at nagpakasal sila noong 1990.
Umuwi sa Pilipinas ang mag-asawa noong 1996. Inatake ng aneurism si Azucena noong 2003 at na-comatose. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ni Dr. Victoria. Subalit noong August 2004, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa sa mga caregiver.
Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang kasaysayan ni Azucena nang lumapit sa aming tanggapan ang isang malapit na kaibigan ng kanyang pamilya para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kalagayan.
NAGTAPOS ng BSE sa University of the Philippines si Azucena Victoriano noong 60s. Maykaya sa buhay ang kanilang pamilya. Siyam silang magkakapatid. Ang kanyang ama ay isang doctor samantalang isang housewife ang kanyang ina. Ipinanganak siya noong August 16, 1938.
Matalino at mataas ang IQ ni Azucena. Lagi siyang nangunguna sa klase.
Nang magtapos sa UP, agad siyang nakapagturo sa Ateneo. Specialty niya ang pagtuturo sa mga bata.
Lumilipas ang mga taon at nananatiling dalaga si Azucena. Masyadong naagaw ng kanyang pagtuturo ang panahon at hindi niya namalayan na nadadagdagan ang kanyang edad. Hindi pa siya nakararanas magkaroon ng boyfriend.
Isang kaibigan niya ang nagyaya sa kanya na mag-apply na teacher sa United States. Madali silang natanggap palibhasay kapwa mahusay na guro.
Sa Wisconsin sila humantong.
Doon ay lalo pang nagpakitang gilas si Azucena sa pagtuturo. Ipinakita niyang mahuhusay na guro ang mga Pilipina. De-kalibreng guro na maaaring makipagsabayan sa mga Puti.
Malaki ang sahod ni Azucena na naging daan para makapagpundar siya ng kanyang ari-arian sa Wisconsin. Nakabili siya ng lupain doon.
Matagumpay sa kanyang career bilang guro si Azucena subalit nalimutan na niya ang pag-ibig dahil sa kaabalahan sa pagtuturo. Nalalagas nang nalalagas ang panahon at nananatiling dalaga si Azucena na hindi alam kung ano ang damdamin nang mayroong nobyo.
Ang mga oras na libre ni Azucena ay iniuukol niya sa pagbabasa at magkaminsan ay ang pagvi-videoke. Magaling kumanta si Azucena. (Itutuloy)
Umuwi sa Pilipinas ang mag-asawa noong 1996. Inatake ng aneurism si Azucena noong 2003 at na-comatose. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ni Dr. Victoria. Subalit noong August 2004, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa sa mga caregiver.
Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang kasaysayan ni Azucena nang lumapit sa aming tanggapan ang isang malapit na kaibigan ng kanyang pamilya para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kalagayan.
Matalino at mataas ang IQ ni Azucena. Lagi siyang nangunguna sa klase.
Nang magtapos sa UP, agad siyang nakapagturo sa Ateneo. Specialty niya ang pagtuturo sa mga bata.
Lumilipas ang mga taon at nananatiling dalaga si Azucena. Masyadong naagaw ng kanyang pagtuturo ang panahon at hindi niya namalayan na nadadagdagan ang kanyang edad. Hindi pa siya nakararanas magkaroon ng boyfriend.
Isang kaibigan niya ang nagyaya sa kanya na mag-apply na teacher sa United States. Madali silang natanggap palibhasay kapwa mahusay na guro.
Sa Wisconsin sila humantong.
Doon ay lalo pang nagpakitang gilas si Azucena sa pagtuturo. Ipinakita niyang mahuhusay na guro ang mga Pilipina. De-kalibreng guro na maaaring makipagsabayan sa mga Puti.
Malaki ang sahod ni Azucena na naging daan para makapagpundar siya ng kanyang ari-arian sa Wisconsin. Nakabili siya ng lupain doon.
Matagumpay sa kanyang career bilang guro si Azucena subalit nalimutan na niya ang pag-ibig dahil sa kaabalahan sa pagtuturo. Nalalagas nang nalalagas ang panahon at nananatiling dalaga si Azucena na hindi alam kung ano ang damdamin nang mayroong nobyo.
Ang mga oras na libre ni Azucena ay iniuukol niya sa pagbabasa at magkaminsan ay ang pagvi-videoke. Magaling kumanta si Azucena. (Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am