‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-19 na labas)

Editor’s note: Ang matutunghayan ay kasaysayan ni Mrs. Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher na nagturo sa Wisconsin, USA. Ang kanyang napangasawa ay ang ob-gyne doctor na si Benjamin Victoria. Nagpakasal sila noong 1990.

Umuwi sa Pilipinas ang mag-asawa noong 1996. Inatake ng aneurism si Azucena noong 2003 at na-comatose. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ni Dr. Victoria. Subalit noong August 2004, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa sa mga caregiver.

Narito ang karugtong ng sinumpaang salaysay ni Meljoy Sanchez, isa sa mga caregiver na nag-alaga kay Azucena.
* * *
NAGTAKA si Meljoy nang hindi siya mabigyan ng certificate of employment ni Dr. Victoria. Tinanong niya ito kung bakit. Sagot ni Dr. Victoria: "Sira ang computer." Pero hindi siya naniniwala sapagkat nakita raw niyang kagagamit lamang ni Shirley ng computer.

Walang nagawa si Meljoy kundi ang sumunod sa sinabi ni Dr. Victoria na hindi na siya caregiver ni Azucena. Mayroon na siyang kapalit —- isang nurse na nagngangalang Yvonne.

Walong buwan din siyang naging caregiver ni Azucena at sa loob ng panahong iyon ay pawang pagkaawa ang nadama niya sa pasyente. Pagkaawa sapagkat hindi sapat ang pag-aalagang ibinibigay ng kapwa caregiver na si Shirley at pati na rin ang asawang si Dr. Victoria. Bukod doon, ayon pa rin kay Meljoy, gusto niyang mabigyan ng katarungan ang mga masasamang balak ng dalawa laban sa kaawa-awang si Azucena.

(Itutuloy)

Show comments