Unti-unting pinapatay ang aming kapatid (Ika-15 Labas)
September 1, 2005 | 12:00am
Editors note: Ang kuwentong matutunghayan ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher sa Wisconsin, USA at ngayon ay naninirahan sa Southridge Estates, Tagaytay City, Cavite. Isang malapit na kakilala ng kanyang pamilya ang lumapit sa Pilipino Star NGAYON para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kalagayan.
Kasalukuyang comatose si Azucena makaraang atakehin ng aneurism noong May 2003. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ng kanyang asawang si Dr. Benjamin Victoria. Ang masaklap, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa mga caregiver. Dito nag-ugat ang lahat para magsampa ng petisyon sa Korte ang walong kapatid ni Azucena upang ma-terminate ang Guardianship ni Dr. Victoria at ganoon din sa mga ari-arian ng pasyente.
Ang matutunghayan ay batay sa mga sinumpaang salaysay ni Meljoy Sanchez, isa sa mga caregiver na nag-alaga kay Azucena mula November 2004 hanggang July 2005.
HINDI makayang tingnan ni Meljoy ang gina-gawa ni Shirley kay Azucena. Para bang siya ang nasasaktan sa ginagawa nitong pagpisil sa utong ni Azucena. Nang tanungin nila kung bakit ginagawa iyon, ang sagot ni Shirley, "Para gumalaw siya," sabing nakangiti. Labis naman ang pagtataka ni Meljoy at isa pang caregiver sapagkat ginawa ni Shirley ang pagpisil sa utong ni Azucena na malaki ang pagkakangiti at parang walang paggalang sa nakaratay na pasyente. Awang-awa si Meljoy sa comatose na si Azucena. Muli ay naaalala niya ang narinig na pag-uusap noon nina Shirley at Dr. Victoria tungkol sa "mercy killing". Kailangan daw na mamatay si Azucena para maisalin ang ari-arian kay Dr. Victoria.
Madalas din namang makita ni Meljoy na sinusuot ni Shirley ang mga damit, at ginagamit ang sapatos at bag ni Azucena. At sinabi raw ni Shirley na ang paggamit sa mga iyon ay alam at pinahihintulutan siya ni Dr. Victoria. Kahit kailan daw niya gustong gamitin ang mga gamit ni Azucena ay puwede. Hindi lamang ang mga personal na gamit ni Azucena kundi pati na rin ang mga vitamins ng pasyente ay iniinom din ni Shirley.
Isa rin sa mga napansin ni Meljoy kay Dr. Victoria ay nabawasan ang kahigpitan nito. Noon daw, ayon kay Meljoy, bawal silang mga caregivers na magduty kapag may sipon o ubo at baka mahawa si Azucena. Huwag na huwag daw silang mag-aalaga kay Azucena kapag may ubo o sipon. Mahigpit niyang ipinatutupad iyon. Hindi lamang ubo o sipon ang bawal pati ang kanila raw mga kuko ay pinapansin ni Dr. Victoria. Hindi dapat mahaba ang kuko at baka masugatan si Azucena.
Pero nagtaka si Meljoy noong May 2005 nang sapagkat pinayagan niyang mag-duty si Shirley kahit na may ubo. Ang pagkakaroon ng ubo ni Shirley ang naging dahilan para mahawa si Azucena.
Minsan, napansin ni Meljoy na may sugat sa braso. Nagtaka si Meljoy kung sino ang may kagagawan sa pagkakasugat sa braso ni Azucena.
(Itutuloy)
Kasalukuyang comatose si Azucena makaraang atakehin ng aneurism noong May 2003. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ng kanyang asawang si Dr. Benjamin Victoria. Ang masaklap, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa mga caregiver. Dito nag-ugat ang lahat para magsampa ng petisyon sa Korte ang walong kapatid ni Azucena upang ma-terminate ang Guardianship ni Dr. Victoria at ganoon din sa mga ari-arian ng pasyente.
Ang matutunghayan ay batay sa mga sinumpaang salaysay ni Meljoy Sanchez, isa sa mga caregiver na nag-alaga kay Azucena mula November 2004 hanggang July 2005.
Madalas din namang makita ni Meljoy na sinusuot ni Shirley ang mga damit, at ginagamit ang sapatos at bag ni Azucena. At sinabi raw ni Shirley na ang paggamit sa mga iyon ay alam at pinahihintulutan siya ni Dr. Victoria. Kahit kailan daw niya gustong gamitin ang mga gamit ni Azucena ay puwede. Hindi lamang ang mga personal na gamit ni Azucena kundi pati na rin ang mga vitamins ng pasyente ay iniinom din ni Shirley.
Isa rin sa mga napansin ni Meljoy kay Dr. Victoria ay nabawasan ang kahigpitan nito. Noon daw, ayon kay Meljoy, bawal silang mga caregivers na magduty kapag may sipon o ubo at baka mahawa si Azucena. Huwag na huwag daw silang mag-aalaga kay Azucena kapag may ubo o sipon. Mahigpit niyang ipinatutupad iyon. Hindi lamang ubo o sipon ang bawal pati ang kanila raw mga kuko ay pinapansin ni Dr. Victoria. Hindi dapat mahaba ang kuko at baka masugatan si Azucena.
Pero nagtaka si Meljoy noong May 2005 nang sapagkat pinayagan niyang mag-duty si Shirley kahit na may ubo. Ang pagkakaroon ng ubo ni Shirley ang naging dahilan para mahawa si Azucena.
Minsan, napansin ni Meljoy na may sugat sa braso. Nagtaka si Meljoy kung sino ang may kagagawan sa pagkakasugat sa braso ni Azucena.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended