^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-6 na Labas)

- Ronnie M. Halos -


Editor’s note:
Ang matutunghayan ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher na nagturo sa Wisconsin, USA. Nagkaasawa siya sa gulang na 54 nong 1990. Isa ring Pilipino ang kanyang napangasawa, si Dr. Benjamin Victoria na may abortion clinic sa Wisconsin noong 70’s hanggang 80’s. Nagpasyang umuwi ang mag-asawa sa Pilipinas noong April 1996 at dito na nanirahan. Bumili sila ng lote sa Tagaytay at tinayuan ng bahay. Noong May 18, 2003, inatake ng aneurism si Azucena at magpahanggang sa kasalukuyan ay nasa coma.

Nag-hire ng babaing caregiver si Dr. Victoria para mag-alaga kay Azucena. Pero nagkaroon siya ng relasyon sa caregiver.

Ang matutunghayan ay batay sa sinumpaang salaysay ng dating caregiver na si Alma S. Rosos na nag-alaga kay Azucena. Nanilbihan siya mula November 12, 2004 hanggang May 28, 2005.
* * *
HINDI makalimutan ni Alma Rosos ang mga nasaksihan noong gabi ng December 5, 2004, dakong 9:30 ng gabi. Nakita niya sa guestroom sina Dr. Victoria at Shirley na naghahalikan. Mainit na mainit ang paghahalikan ng dalawa. Parang tunay na mag-asawa ang dalawa.

Napaatras si Alma sa pagkabigla sa nakita. Siya ang labis na nagimbal sa nasaksihan. Hiyang-hiya siya. Ang nasaksihang iyon sa guestroom ang nagbigay ng konklusyon kay Alma na may relasyon nga ang dalawa. Hindi na maaaring ikaila ng dalawa sapagkat nakita na ng dalawang mata niya ang katotohanan.

Hindi na nagtaka si Alma kung bakit nasabi ni Shirley na malakas siya kay Dr. Victoria. Hindi na rin ipinagtaka ni Alma kung bakit anumang oras ay nakakukuha ng cash si Shirley kay Dr. Victoria. At hindi na rin nakapagtataka kung bakit malakas ang loob na gamitin ni Shirley ang mga gamit ni Azucena at pati nga ang vitamins ng kawawang pasyente ay iniinom.

Malalim ang relasyon ng dalawa.

Hindi pa pala ang nasaksihan paghahalikan ng dalawa ang nagpatibay sa pagkakaroon nila ng sexual relationship kundi patunay din ang paghaharutan ng mga ito, ayon kay Alma.

Minsan, narinig niyang umuungol si Shirley at kasunod niyang narinig ay "Sige pa Doc, tagalan mo pa at sobra ang sarap…" (Itutuloy)

ALMA

ALMA ROSOS

ALMA S

AZUCENA

AZUCENA VICTORINO-VICTORIA

BUMILI

DR. BENJAMIN VICTORIA

DR. VICTORIA

NOONG MAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with