Mga mata sa butas (Katapusan)

NAGTAKA ako kung bakit naghagikgikan sina Pacita at Lucia. Nakatingin sila sa bagong helper na babae na tahimik na nakaupo sa sopa. Pagkatapos ay lumapit sa akin si Pacita at sinabi ang dahilan kaya sila naghagikgikang magkaibigan. May kapatid na matandang binata raw ang bagong helper na babae at gustong ipakilala kay Lucia. Mabait at masipag daw ang kapatid ng helper. Tinanong daw ni Lucia kung ano ang itsura. Hindi naman daw guwapo at hindi rin naman pangit. Basta’t super sipag, iyon daw ang idiniin ng bagong helper nila.

"Kinikilig si Lucia, Pepe," sabi ni Pacita at hinawakan ang kamay ko.

"Aba dakmain na niya at baka makawala pa."

"Sobra naman ‘to parang dadakma ng ibon."

"Sabihin mo kay Lucia gumaya sa’yo na mahusay dumakma."

Kinurot ako sa tagiliran.

"Puro ka kabastusan."

"Magaling ka naman talagang dadakma at pipiga."

"Ay bastos talaga!"

Niyakap ko si Pacita. Nakita ko ang paglapit ni Lucia.

"Naiinggit ako sa inyong dalawa. Sana meron na rin akong kayakap…"

"E di ba merong iniaalok sa’yo ‘yung bagong tindera? Dakmain mo na Lucia at sayang…" sabi ko.

Humagalpak ng tawa si Lucia sa sinabi kong dakmain. Pagkatapos ay umalis kasama ang bagong helper na ang kapatid nga ay inililigaw kay Lucia.

Naiwan kami ni Pacita.

"Kain uli tayo ng ice cream Pepe…"

"Sige."

Inilabas niya ang ice cream sa ref. Naglagay sa baso si Pacita at sinubuan ako. Pagkatapos ay ako naman ang nagsubo sa kanya.

"Ang sarap ng ice cream ‘no?"

"Oo."

Ilang subo pa ang ginawa namin hanggang sa magsawa. Niyaya ko muli sa kuwarto si Pacita at inalis namin ang nadaramang ginaw na idinulot ng ice cream. Madaling alisin ang ginaw sa pagmamahalan.

Hanggang ngayon, nagmamahalan pa kami nang todo ni Pacita. Naikasal na kami pagkaraan nang matagal na paghihintay, Namatay kasi ang asawa kong taksil sa isang vehicular accident kaya naging malaya na ako. Kambal na babae ang anak namin ni Pacita na lalo pang nagdulot ng sobrang ligaya. Kapiling namin ang anak ko sa unang asawa.

(Abangan bukas ang isa na namang kapana-panabik na kasaysayan sa column na ito).

Show comments