^

True Confessions

Mga Mata sa butas (Ika-108 na labas)

- Ronnie M. Halos -
MAGANDA si Pacita. Napatunayan ko nang tuluyang mahubad ang damit. Nakikita ko kaanyuan kahit sa dilim. Sa kabila ng mga masasakit na karanasan ay napanatili pa rin niya ang ganda. Parang hindi napingasan.

"Ang ganda mo Pacita," sabi ko nang tumabi sa akin sa pagkakahiga. Dinama ko ng palad ang pisngi niya. Makinis. Hinalikan ko ang pisngi. Hindi tumutol. Gumala ang kamay ko sa baywang niya. Bahagyang pumiksi pero hindi ibig sabihin ay ayaw sa ginawa ko. Nakiliti kasi siya nang sumayad ang palad ko sa baywang niya.

"Pepe…"

"Ano?"

"Baka saktan mo rin ako tulad ng iba…"

"Nasa mukha ko ba?"

Umiling.

"Hindi kita sasaktan kundi sasakyan…." At binuntutan ko ng tawa.

"Ang bastos mo naman…"

"Hindi sagad…"

Bigla kong niyakap si Pacita. Mahigpit. Ipinadama ko ang labis na pagmamahal sa kanya. At saka siniil ko ng halik sa leeg, gumapang pababa, pababa pa nang pababa hanggang nasumpungan ang hinahanap. Matagal na tumigil doon. Dumaing si Pacita nang magsimula ang ritwal na iyon. Pero hindi daing ng pagtutol kundi pagtanggap. Isinusuko niya ang sarili sa akin at ang lahat-lahat.

Naganap ang pag-iisa namin ni Pacita sa kuwartong iyon. Walang naging istorbo. Masayang-masaya ako. At masayang-masaya rin si Pacita.

"Mahal na mahal kita Pepe…" sabi ni Pacita sa akin pagkatapos.

"Mahal na mahal din kita…"

Nang lumabas kami sa kuwarto ay nakaupo sa sopa si Lucia at may kasamang babae. Nakangiti sa amin.

Siya ‘yung bago nating helper sa mart…" ang tinuturo ay ang babae.

"Okey ba siya Lucia?" tanong ni Pacita.

"Okey naman."

Tumayo si Lucia at may ibinulong kay Pacita. Saka naghagikhikan. (Tatapusin)

vuukle comment

ANO

BAHAGYANG

BIGLA

DINAMA

GUMALA

HINALIKAN

PACITA

PEPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with