Mga Mata Sa Butas (Ika-102 na labas)
August 10, 2005 | 12:00am
NAHUKAY na ang lalim ng aking kuwento at gusto pang maabot ang kailaliman niyon. Hindi pa kuntento sa mga nasabi ko na.
"Me balita ka pa sa asawa mo Pepe?" tanong ni Lucia habang kumukuha ng ice cream sa lalagyan. Si Pacita ay walang kakibu-kibo sa tabi ko. Walang maitanong sa nangyari sa buhay ko.
"Ang huling balita ay nasa Marikina. Nagpalipat ng branch ng banko "
"Kasama ang lalaki?"
"Oo. Malakas daw ang lalaki sa branch manager kaya silang dalawa pa rin ang magkasama sa branch sa Marikina :
"Ang kapal ng mukha ano?" sabi ni Lucia.
Napabuntung-hininga ako. Malalim. Isang buntonghininga pa. Naramdaman ko ang pagpisil ni Pacita sa palad ko.
"Mahal mo pa ang asawa mo Pepe?" tanong ni Lucia matapos kumutsara ng ice cream. Isinubo.
"Hindi na. Kapag pala naiputan ka na sa ulo ng babaing pinakasalan mo, mabaho na ang tingin mo walang kasingbaho!"
"Kasiy napabuntunghininga ka kanina "
"Dahil sa anak namin. Kawawa naman "
"Dapat ipaalam mo sa kanya ang nangyari para habang maaga e alam niya "
"Ganoon nga ang gagawin ko ":
"Isama mo siya rito sa San Pablo para makasagap ng sariwang hangin. Sabihin mo dadalhin namin siya sa pitong lawa rito. Marami ritong lansones at pinya "
"Oo nga Pepe, dalhin mo ang anak mo rito," sabi ni Pacita. Nagsalita rin pagkaraan nang pananahimik.
Tinapos ni Lucia ang pagkain ng ice cream at muling nagpaalam. Pabalik na siya sa mini-mart.
"Sige para magkasarilinan kayong dalawa " sabing nagtatawa.
Naiwan kami ni Pacita.
"Liligawan pa ba kita Pacita?"
"Ewan ko sayo?"
"Gusto mo ligawan pa kita?"
"Bahala ka "
"Sasagutin mo agad ako?"
"Ewan "
"Bakit ewan?"
Hindi sumagot.
Inakbayan ko siya. Hindi tumanggi. Inilapit ko ang aking mukha sa mukha niya. Idiniit kong mabuti. Saka naramdaman kong may luhang umaagos sa pisngi niya. Mainit. Alam ko, luha iyon ng kaligayahan. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am