Mga mata sa butas (100)
August 8, 2005 | 12:00am
"BAKA magkadebelopan kayo nyan," sabi pa ni Lucia nang maabutan na sinusubuan ko ng ice cream si Pacita. "Mabuti sana kung walang asawa si Pepe," dugtong pa ni Lucia.
"Wala na naman akong asawa kaya okey lang. Ewan ko kung okey kay Pacita.." sabi ko matapos subuan ng ice cream si Pacita.
"Nagbibiro ka ba?" seryosong tanong sa akin ni Lucia.
"Hindi!" sagot ko.
"Puwera biro Pepe dahil mahal na mahal ka ni Pacita at kung wala ka nang asawa gaya ng sinabi mo, magsama na kayo ng kaibigan ko. Kahit na hindi ka na umuwi ngayon."
"Totoo. Wala na akong asawa " sabi kong seryoso.
"Paanong nangyari, Pepe?" tanong pa ni Lucia at naupo sa harap namin. Si Pacita naman ay walang kaimik-imik. Tila hindi makapaniwala sa sinabi kong wala na akong asawa.
"Iniwan ako. Habang nagtatrabaho ako sa Saudi, iyon palay may ginagawang milagro. Akala ko, hindi totoo ang isinulat ng kapatid ko tungkol sa kanya, iyon pala "
"Iniwan ka na talaga? Paano ang anak mo?"
"Kinuha ng magulang ko. Ang lalaki ng asawa ko ay ang kasamahan niya sa banko. Teller sa banko ang misis ko. Niligawan ng kasamahan at bumigay ang sakit pala kapag iniputan sa ulo ng asawa "
Tumigil ako sa pagkukuwento. Si Pacita ay nakatingin sa akin. Naaawa sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya. Para bang gustong sabihin na kaya ko ang problemang iyon.
Namalayan kong pinipisil niya ang kanang palad ko.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am