^

True Confessions

Mga mate sa butas (93)

- Ronnie M. Halos -
NANG nasa King Khaled International Airport na si Pacita ay nagawa niyang tumawag sa akin para magpaalam. Hindi na ako nakapaghatid sa kanya sa airport.

"Salamat sa’yo Pepe at sa mga kasamahan mo diyan..." nasa tinig ni Pacita ang tuwa. Parang ibong nakalaya sa hawla.

"Ilang beses ka nang nagpasalamat sa akin," sabi ko naman.

"Hindi matatapos ang pasasalamat ko. At sana makaganti ako sa mga nagawa mo sa akin."

"Huwag mong intindihin ‘yon. Siguro ay sadyang ginamit ng Diyos si Mely na una naming tinulungan para kita makilala at matulungan din..."

"Sana magkita kami ni Mely at nung napangasawa niyang kasamahan mo..."

"Nasa Pangasinan yata ang mag-asawa..."

"Basta kung magbabakasyon ka Pepe, huwag mong kalilimutang pumunta sa San Pablo ha?"

"Ipadala mo sa akin ang address mo para madali kitang mapuntahan."

"Susulat agad ako sa’yo Pepe..."

Iyon ang huling pag-uusap namin ni Pacita.

Lumipas ang isang buwan, walang sulat na dumating. Nagdaan pa ang mga buwan at walang dumating na sulat.

Isang taon ang lumipas, saka dumating ang sulat galing kay Pacita. Nang mga panahon namang iyon ay marami na ring nangyaring pagbabago sa aking buhay. Mga pangyayaring hindi ko rin naman inaasahan.

Nang buksan ko ang sulat, nagulat ako sa mga ikinuwento ni Pacita.

(Itutuloy)

DIYOS

HUWAG

KING KHALED INTERNATIONAL AIRPORT

MELY

NANG

NASA PANGASINAN

PACITA

PEPE

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with