Mga mata sa butas (86)
July 25, 2005 | 12:00am
NAKAYAKAP kay Pacita ang kaliwang kamay ni Rasheed at ang kanang kamay ang nagsisimu-lang gumala sa kanyang katawan. Itinaas ang laylayan ng kanyang abaya. Nalantad ang kanyang hita dahil sa pagtaas.
"Ma manadah Rasheed! Ma manadah!" sigaw niya.
"La naddah!" sagot ni Rasheed na parang asong ulol na habang pinagagapang ang ka-may sa kanyang hita. Itinaas pa ang laylayan ng abaya at nalantad na ang puting panty.
"La! La!" sigaw ni Pacita.
"La naddah!" sigaw ni Rasheed habang unti-unting binatak ang kanyang panty pababa. Nagpipig- las siya. Itinodo niya ang pagpiglas. Nayanig ang kotse sa pagpipiglas.
Napigilan si Rasheed sa pagbatak ng panty. Nanlisik ang mata at sinampal siya. Tulig siya. Pero madaling nakabawi at nang akmang babal- takin na muli ang panty ay kinagat niya sa balikat si Rasheed. Ubos lakas na. Idiniin niya nang todo.
"Haiwan! Haiwan!" sabi ni Rasheed na animoy nakagat nang makaman-dag na hayop o insekto. Nagtatarang.
Lalong nagalit at inupakan pa ng sampal si Pacita. Sunud-sunod. Hinawakan ang buhok at niyugyog. Masakit ang pagkahawak. Pero kailangang lumaban para mapigilan ang balak ng tatlo.
Ang paglaban niya ang lalo pang nagpagalit kay Rasheed at sa dalawang kabarkada.
"Habl! Habli!" sabi ni Rasheed. Humingi ng lubid sa dalawang kabarkada. Itatali si Pacita. Itinigil ang sasakyan. Bumaba ang isa. Nagtungo sa likuran at binuksan ang trunk.
Iyon ang sinamantala ni Pacita. Nakita niyang hindi naka-lock ang kaliwang pinto ng kotse. Patay kung patay na!
Nang makakuha ng lubid ang kabarkada at pabalik na sa upuan sa unahan, mabilis na naibukas ni Pacita ang pinto sa kaliwang bahagi at sa isang iglap ay nakalabas siya sa sasakyan. Tumakbo. Mabilis.
Pero ang kanyang pagsisikap ay nawalan ng silbi. Nasundan din siya ng tatlo. Nasukol siya isang panig ng disyerto. Hinang-hina na siya. Bumigay na siya dahil sa pagod. Wala nang lakad. Isa pay wala na siyang matakbuhan. Wala nang laban sa mga kabataang hayok na hayok sa kapirasong karne.
"La taharaka!" sabi ng isa sa barkada.
"La anf!" sabi naman ng isa habang hawak ang lubid.
Pagkaraan ay nagtawanan ang tatlo. Halos mapuno ng kanilang tawanan ang bahagi ng disyertong iyon. Ang mga mata ay halatang lango sa droga.
Umatras si Pacita. Kahit nanghihina pipilitin pa rin niyang makatakas.
Subalit mas mabilis ang mga hayok. Sinunggaban siya nang may hawak na tali. Huli! Tinalian ang kanyang kamay. Tinalian din ang magkabila niyang paa. Hindi na siya makagalaw.
Hinubaran si Pacita. Walang itinira.
Halos lumuwa ang mga mata ng tatlo. Pumila na ang tatlo sa kanya. Una si Rasheed. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended