"Mafi muskila Pacita?"
"Mafi muskila," sagot niya.
Binigyan muli siya ng pera ni Al-Ghamdi.
Minsan daw isang madaling araw na kumatok si Al-Ghamdi sa kanyang kuwarto ay muntik na silang mahuli ng anak na si Rasheed. O nakita na nga sila. Hindi raw niya tiyak pero malakas ang kutob ni Pacita na nakita ni Rasheed ang ama nang pumasok sa kuwarto niya.
"Muskila Rasheed!" sabi ni Pacita.
"La! Mafi muskila," sagot ni Al-Ghamdi.
Habang ginagamit siya ni Al-Ghamdi ay si Rasheed ang iniisip ni Pacita. Kung nakita sila kanina, tiyak na isusumbong sa ina at tapos siya. Baka patayin siya sa bugbog. Kaya nang matapos siyang gamitin ni Al-Ghamdi ay binalaan niya na huwag na munang magpunta sa kuwarto. Pero tumanggi ang ma-"L" na amo.
Wala raw problema kay Rasheed. Huwag daw mamroblema si Pacita.
Pinakiramdaman daw ni Pacita kung magsusumbong si Rasheed sa ina. Wala raw. Lumipas pa ang isang buwan, wala rin. Natahimik siya.
Minsan nagtungo sa Al-Khobar si Al-Ghamdi at ang asawa. Si Rasheed at ang kapatid na babae ang naiwan sa bahay.
Hindi alam ni Pacita, may magaganap na trahedya sa kanya sa kamay ni Rasheed. (Itutuloy)