Mga Mata sa Butas (Ika-83 na labas)
July 22, 2005 | 12:00am
HALOS gabi-gabi ay ginagamit siya ni Al-Ghamdi. Matindi talaga ang "L" ng amo. Hindi naman niya mapigilan. Hayaan na lang. Bawat paggamit naman sa kanya ay may kapalit. At kung humihiling ito ng kakaiba, may ekstra bayad iyon. Nagdedemand na siya. Katwiran niya, magagasgas din lang ang "ano" niya, sumingil na siya ng sapat. At wala namang tanggi ang "ma-L" na amo. Ang pakiusap lamang ni Al-Ghamdi, mag-ingat sa among babae. Delikado raw kapag nabuking na ginagamit siya. Ipinaalam kaagad ni Al-Ghamdi na ililigtas niya ang sarili at hindi niya sasagutin si Pacita. Napatango si Pacita. Alam na niya iyon noon pa. Napaghandaan na niya sakali at mahuli sila ng matapang at bruhang among babae. Kaya na rin niya itong labanan sakali at saktan siya. Hindi na siya natatakot lalo pat nagkaroon na siya ng ugnayan sa among lalaki.
"Mafi muskila Pacita?"
"Mafi muskila," sagot niya.
Binigyan muli siya ng pera ni Al-Ghamdi.
Minsan daw isang madaling araw na kumatok si Al-Ghamdi sa kanyang kuwarto ay muntik na silang mahuli ng anak na si Rasheed. O nakita na nga sila. Hindi raw niya tiyak pero malakas ang kutob ni Pacita na nakita ni Rasheed ang ama nang pumasok sa kuwarto niya.
"Muskila Rasheed!" sabi ni Pacita.
"La! Mafi muskila," sagot ni Al-Ghamdi.
Habang ginagamit siya ni Al-Ghamdi ay si Rasheed ang iniisip ni Pacita. Kung nakita sila kanina, tiyak na isusumbong sa ina at tapos siya. Baka patayin siya sa bugbog. Kaya nang matapos siyang gamitin ni Al-Ghamdi ay binalaan niya na huwag na munang magpunta sa kuwarto. Pero tumanggi ang ma-"L" na amo.
Wala raw problema kay Rasheed. Huwag daw mamroblema si Pacita.
Pinakiramdaman daw ni Pacita kung magsusumbong si Rasheed sa ina. Wala raw. Lumipas pa ang isang buwan, wala rin. Natahimik siya.
Minsan nagtungo sa Al-Khobar si Al-Ghamdi at ang asawa. Si Rasheed at ang kapatid na babae ang naiwan sa bahay.
Hindi alam ni Pacita, may magaganap na trahedya sa kanya sa kamay ni Rasheed. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am