Mga mata sa butas (Ika-82 labas)
July 21, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)
KUNG saan nadapa ay doon na rin bumangon. Iyon na raw ang naging panuntunan ni Pacita sa buhay. Ano pa ang panghihinayangan niya sa buhay? Wala na. Maraming beses na siyang nasira. Sinira ng ka-livein ng kanyang ina. Sinira ng kanyang asawang walang gulugod at sunud-sunuran sa ina. Ngayon ay isang dayuhan naman ang pumasok sa kanyang katawan. At maaaring maging sunud-sunod na ang pagpasok ng amo. Nakitang payag pala siya basta may pera. Ano pa nga ba ang kanyang iingatan? Wala na rin siyang babalikan sa San Pablo. Sino pa ang magkakagusto sa kanya sa kalagayang iyon, Wala nang lalaking magkakainteres pa at magseseryoso sa kanya.
"Mabsot " sabi ni Ibrahjim Al-Ghamdi habang baliw na baliw sa kanyang alindog. Walang pagkasawa. Pakiramdam niya, isa siyang bagong putahe para kay Al-Ghamdi na hindi pagsasawaang ka-inin. Hayok na hayok si Al-Ghamdi. At isiping kagabi lamang siya ginamit ng amo. Hindi niya akalain na papasok muli si Al-Ghamdi para gamitin muli. Sabagay matagal na niyang narinig na malilibog ang mga Arabo. Gatas daw ng kamelyo ang iniinom kapag kumain ng dates. Pampa-"L" daw iyon. Madalas niyang makita si Al-Ghamdi na kumakain ng dates at umiinom ng sariwang gatas ng kamelyo. May nagdedeliber ng gatas ng kamelyo araw-araw. Iyon marahil ang dahilan kaya ma-"L" si Al-Ghamdi kahit may edad na.
"Mabsot " sabing muli ni Al-Ghamdi bilang pagpapahiwatig ng kasiyahan.
Saka ay naramdaman niyang umalis sa pagkakadagan sa kanya si Al-Ghamdi. Akala niya ay kung ano ang gagawin. Tumabi sa kanya sa pagkakahiga at binulungan siya. Hindi agad niya nakuha ang ibig sabihin. Inulit ni Al-Ghamdi ang sinabi. Nakuha ni Pacita ang ibig sabihin. Gusto ni Al-Ghamdi ng ibang posisyon. Nagpakiyeme siya kunwari. "La!" sabi niya.
"Mafi muskila Pacita," sabi at pinabilog ang daliri. "Fulos, mafi mus kila "
Bibigyan pa raw siya ng pera.
Pumayag siya sa gusto ni Al-Ghamdi. Alam niya, malaki ang kapalit ng pagpayag niya. Ano pa ba ang iingatan niya? Wala na.
Kung saan nadapa, doon na rin siya babangon. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am