Mga mata sa butas (Ika-80 labas)
July 19, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)
"CATER fulos. La tahtama "
Iyon ang paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Ibrahim Al-Ghamdi habang sinisira nito ang kanyang pagkababae. Maraming pera raw ang ibibigay sa kanya. Tataasan ang suweldo niya. Mafi muskila raw. Huwag lamang daw siyang maingay at mapapasakanya ang mga iyon. Huwag magsusumbong sa asawang si Tasmiyah.
Ano ang magagawa ni Pacita sa pagkakataong iyon? Wala. Para siyang basang sisiw na dinagit ng hayok na lawin. Naalala niya ang ginawa sa kanya noon ng manyakis na si Benjo, ang ka-live-in ng kanyang ina. Para rin siyang sisiw noon nang unang dagitin. Birhen na birhen. Masakit ang timo sa kanyang kabirhenan. Lumikha ng sugat at nagkaroon ng bahid ng dugo.
Hayok na hayok si Al-Ghamdi. Parang noon lamang nakatikim ng karne. Naalala niya ang sinabi nito kanina, masyado raw nagandahan sa kanya kaya natuksong pasukin siya sa kuwarto. Hindi na raw makayanan ang nadaramang pagnanasa. Masyado raw natangay ng eksena habang naliligo siya.
Natapos ang hayok sa ginagawa. Masakit na masakit ang bahagi ng katawang tinampalasan. Pero marunong tumupad si Al-Ghamdi. Binigyan siya ng pera bago umalis. Limandaang riyals! Ipinatong sa unan.
"Shokan Pacita, ma as salama!"
Hindi kumibo si Pacita. Masakit ang bahaging tinarakan ng hayok. Parang naalala ni Pacita ang nangyari noong una siyang makatikim ng sakit sa buhay. Umiyak siya nang makalabas na si Al-Ghamdi. Ganito na yata talaga ang tadhana ng kanyang buhay ang tikman at tampalasanin ng mga lalaki.
Dinampot niya ang 500 riyals. Inilagay sa kanyang bag. Ano ang gagawin niya kundi tanggapin ang kapalarang iyon.
Sumunod na gabi, may mahihinang katok siyang narinig sa pinto ng kuwarto. Kinabahan siya.
Nang silipin niya ay si Al-Ghamdi. Gustong umulit. Ibinukas niya nang bahagya ang pinto.
"Esmali li " sabing mahina.
"La!
"La tahtama be zalek!"
Pinapasok niya. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended