Mga mata sa butas (Ika-78 labas)
July 17, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh,KSA)
ANG buong akala ni Pacita, mabait si Ibrahim Al-Ghamdi. Hindi pala. Manyakis din pala ang walanghiya. Nadiskubre niyang sinisilipan siya. Kung ano ang estilo ng anak niyang si Rasheed ga- noon din ang ginawa. Pero ang kaibhan ng mag-ama, marunong umamin at humingi ng sorry si Al-Ghamdi.
Nahuli niya si Al-Ghamdi na nasa pintuan ng banyo at sinisilipan siya. Ayaw pang mapaknit ang mga mata ni Al-Ghamdi sa maliit na butas sa pintuan.
Putlang-putla si Al-Ghamdi nang sigawan niya.
"Ma hada?"
Hindi agad nakakilos si Al-Ghamdi pero makalipas ang ilang sandali ay nagmakaawa na sa kanya. Humingi ng sorry.
"Asef Pacita. Asef!"
Sabi ni Al-Ghamdi natukso lang siya. Masyado raw nagandahan kay Pacita. Maganda raw ang katawan. Hindi na raw mauulit. Patawarin na raw sa ginawa.
Pinatawad niya.
Pero hindi niya akalain na ang pagnanasang iyon sa kanya ay masusundan ng panggagahasa. Pinasok siya sa kuwarto isang madaling araw. May susi si Al-Ghamdi kaya nakapasok sa kuwarto.
Mahimbing ang tulog niya at namalayan na lamang na nakapatong na si Al-Ghamdi.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended