^

True Confessions

Mga mata sa butas (Ika-75 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

AKALA raw ni Pacita nang magtungo rito sa Saudi Arabia ay matatakasan na niya ang hirap at mga sama ng loob. Hindi raw pala. Pawang sakit din pala ng kalooban ang kanyang daranasin.

Ayon kay Pacita, matapos siyang palayasin ng biyenan ng gabing iyon na mahuli ang asawang may katalik sa kanilang kuwarto gusto na niyang magpakamatay. Kung mas masakit ang nangyaring panggagahasa sa kanya ni Benjo, mas masakit makita na may katalik na ibang babae ang asawa.

Ang biyenan niya ang gumawa ng paraan para magkaroon ng babae ang asawa. Nagtagumpay ang biyenan. Sinaktan pa siya ng asawa.

Umuwi siya sa San Pablo kahit na wala nang uuwian. Akalain ba niyang magkikita pa sila ng ina. Payat na payat. Nagtatago sa mga pulis. Kung paano nalaman ang kanyang tinutuluyan sa San Pablo ay hindi niya alam. Pero dahil sa ina, pinakiharapan pa rin niya. Sa tingin niya pinagbabayaran na ng ina ang kasalanan sa kanya. Niyakap siya. Wala siyang madama. Hindi na niya ikinuwento ang mga nangyari sa kanyang buhay sa Maynila. Para ano pa? Wala rin namang paki ang nanay niya sa kanya. Mas lalo pa ngayon na maski ang sarili ay hindi na kayang intindihin.

Naghiwalay silang mag-ina na walang salitaan. Iyon ang huli nilang pagkikita. Natanggap siyang domestic helper sa Saudi at pagkaraan ng dalawang taon ay nagbakasyon. Umuwi siya sa San Pablo at doon nalaman na patay na ang ina. Dahil sa sakit. Wala siyang reaksiyon.

Bumalik siya sa Saudi at sa ikalawang balik na iyon siya na-rape hindi lamang ng kanyang amo kundi pati ng anak at kabarkada nito. Napakamalas yata talaga niya.

Unang pagkakita pa lamang sa kanya ng among si Al-Ghamdi ay makislap na ang mga mata sa pagkakatingin sa kanya. Nakatutok sa mga malulusog niyang dibdib. Pero hindi lamang pala ang matandang Al-Ghamdi ang may pagnanasa kundi pati na rin ang teenager nitong anak na si Rasheed. (Itutuloy)

AKALAIN

AL-GHAMDI

AYON

NIYA

PACITA

PERO

SAN PABLO

SAUDI ARABIA

UMUWI

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with