"PUTANG-INA! Bat ang tagal mong magbukas?" tanong ng kanyang ina na namumungay pa ang mga mata na tila bangag sa alak o shabu.
Biglang humagulgol nang malakas si Pacita. Tila pag-iyak ng isang babaing namatayan. Ang pag-iyak niyang iyon ay siguradong maririnig ng mga kapitbahay.
"Anong drama yan Pacita?"
"Ginahasa ako ng asawa mo! Ginahasa ako ng asawa mong demonyo!"
Napamulagat ang mata ng ina. Nakabuka ang bibig pero walang masabi.
"Ano?"
"Ginahasa akooo! Ginahasa akoooo!"
Hinila siya ng ina sa loob.
"Ayusin mo nga yang sinasabi mo. Anong ginahasa?"
Pinasok ako kanina sa kuwarto at doon ako ginahasa.
Tutok na tutok ang mata ng ina sa kanya. Hindi makapaniwala sa sinabi.
"Huwag ka ngang magdrama ha Pacita!"
"Nirape ako ng asawa mo. Ano pang gusto mong malaman. Bakit hindi mo tanungin ang asawa mong demonyong nasa kuwarto?"
Sugod sa kuwarto ang ina.
"Benjo! Benjo!"
Binuksan ni Benjo.
"Ano?"
"Ano tong sinasabi ni Pacita na inano mo siya?"
Tiningnan daw muna siya ni Benjo bago sumagot.
"Tinukso niya ako e, nagpakita ng motibo. Naghubad sa harapan ko. Anong magagawa ko e lalaki lang ako?"
Gimbal si Pacita,
"At hinihingan ako ng pera kapalit niyon "
Sumugod si Pacita.
"Putang ina mo Benjo! Putang ina mo Benjo. Pinasok mo ako sa kuwarto. Ni-rape mo ako. Pinuwersa mo ako."
"Maniniwala ka diyan sa anak mo?"
Dumilim ang mukha ng ina ni Pacita. (Itutuloy)