Mga mata sa butas (Ika-51 labas)

(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh,KSA)

"ANO bang ginagawa mo at ang tagal-tagal mong sumagot?" tanong ng kanyang ina nang makapasok sa loob ng bahay. May bitbit ito na isang maliit na plastic na supot.

"Nag-aaral po ako sa kuwarto," sagot niya. Mabuti na lang daw at bago nakapasok ang ina ay wala na siya sa pinto ng banyo kung saan hinihiluran niya si Benjo.

"Walisan mo ang tapat natin! Maraming tae ng aso. May natapakan ako!"

"Opo."

"Nasaan si Tito Benjo mo?"

"Ewan ko po."

"Ang liit nitong bahay hindi mo alam…"

"Nasa kuwarto po nga ako at nag-aaral."

Sumagot naman si Benjo na siguro’y pinakikinggan ang pag-uusap nila.

"’Andito ko, Sweet…"

Inilapag ng ina ang plastic na supot sa ibabaw ng sopa. Humakbang patungo sa banyo. Binuksan ni Benjo ang banyo.

"Halika sabay tayong maligo," anyaya ni Benjo. "Hiluran mo tuloy ako. Ang kati ng likod ko!"

Nagtungo naman si Pacita sa harap ng bahay para dakutin ang mga tae ng aso na nakakalat. Habang dinadakot ang mga tae ay naiisip niya ang ginawa kanina kay Benjo. Baka sa mga susunod na araw ay muli siyang pakiusapan nito. Kapag pinakiusapan siya ay tatanggi na siya. Baka magalit ang kanyang ina kapag nahuli siyang hinihiluran si Benjo.

(Itutuloy)

Show comments