Mga mata sa butas (Ika-41 labas)
June 8, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)
HABANG ginigisa ang sardinas para kay Benjo ay kung anu-ano raw ang pumapasok sa isipan ni Pacita. Napaka-espesyal naman ng Benjong ito na ipaghahanda pa ng pagkain. Ganito na ba kadesperado ang ina niya at tila nagpapakamatay na sa isang lalaki? Kanina, nang utusan siya ng ina ay nandidilat ang mga mata sa kanya. Ayaw kasi niyang tumayo habang nagbabasa ng libro. May exam siya kaya nagrerebyu. Kung hndi niya susundin ang ina, tiyak na sasaktan siya. Marami nang pagkakataon na sinaktan siya ng ina kahit sa maliit at kaunting pagkakamali.
"Pacita, luto na ba yan?" nagulat siya nang marinig ang ina. Hindi niya sinagot. Ibinuhos niya ang laman ng sardinas sa kawaling may mantika at tinadtad na sibuyas. Hinalo. Umapaw ang bango dahil sa natustang sibuyas.
"Ano ba Pacita?" galit na ang ina.
Ilang halo pa at hinango na niya ang kawali sa kalan. Pinatay ang kalan at saka isinalin sa tasa ang ginisang sardinas. Pagkaraan ay sumandok ng kanin sa kaldero. Sabay na dinala sa mesa. Kumuha ng pinggan at kutsara.
"Pacita!"
"Luto na po."
"Maghain ka na!"
"Nakahain na po!"
Bumalik siya sa pagrerebyu. Maya-maya, nakarinig siya ng mga yabag mula sa kuwarto ng ina. Bumukas ang pinto ng kuwarto. Lumabas ang kanyang ina at si Benjo. Naka-shorts nang maikling-maikli ang kanyang ina at t-shirt na halos nakabakat na ang dalawang utong dahil sa nipis ng damit. Si Benjo ay naka-short at walang pang-itaas. Balahibuhin ang mga binti at hita. Gumagapang ang balahibo sa pusod paakyat sa dibdib.
Ibinaling niya sa librong binabasa ang atensiyon. Pero kahit na nagbabasa, naaagaw pa rin ang atensiyon niya sa sitwasyong tatlo na sila sa kapiranggot na bahay na ito. At kung silang dalawang mag-ina ay miserable na ang pamumuhay, paano pa ngayong tatlo na sila. At sa hula niya palamunin din ang lalaking ito.
Habang kumakain si Benjo ay nilalambutsing ng kanyang ina. Napabuntunghininga si Pacita. Sunud-sunod.
Itutuloy

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am