Mga mata sa butas (Ika-37 labas)
June 4, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)
KUNG bakit ayaw ng biyenan kay Pacita, iyon ang ikinuwento niya sa akin nang pumunta ako ng Biyernes na iyon. Inagahan ko ang pagpunta sa embassy. Bago ko malimutan, ang embassy ng mga panahong iyon ay nasa may Olaya District pa. Dalawang sakay ng mini-bus bago makarating doon. Sa kasalukuyan, ang embassy ng Pilipinas ay nasa diplomatic quarters.
Maaga nga akong nagtungo sa embassy. Kagaya ng dati may pasalubong akong pagkain kay Pacita. Ibinili ko rin siya ng sabon, toothpaste, toothbrush at iba pang personal na gamit.
"Salamat uli Pepe. Saka na lamang kita babayaran "
"Huwag mo munang problemahin kung paano ako mababayaran. Ang mahalaga ay narito ka sa embassy at ligtas."
"Kaso wala pang nababanggit sa akin ang opisyal dito."
"Maghintay ka lang. Kumikilos ang mga yan. Dito kasi sa Saudi. maraming bagay na bawal at hindi basta-basta makakilos."
"Gusto ko nang makauwi sa Pinas."
"Kanino ka naman uuwi kung sakali?"
"Bahala na."
"Kita mo at wala ka naman palang uuwian e nagmamadali ka."
Natigilan si Pacita. Napatingin sa labas ng bintana.
"Ang nanay mo? Bat hindi ka roon umuwi?" tanong ko.
"Ayoko."
"Bakit?"
"Baka maulit na naman ang panggagahasa sa akin ng putang-inang asawa niya."
Gimbal ako. Panibagong istorya na naman ito. Isang malalim na istorya.
"Hindi ko maintindihan, Pacita "
"Di ba minsan sinabi ko sa iyo na mayroon akong ikukuwento pero ipinagpaliban ko muna. Iyon yon. Iyan din ang dahilan kung bakit marahil galit na galit ang aking biyenan sa akin. Hindi niya matanggap na ang napangasawa ng kanyang anak ay biktima ng rape. Tapos nalaman niya ang background ng aking ina..."
Hindi ako nakapagsalita. Ganito na ba talaga kamalas ang babaing ito na dalawang ulit nang naging biktima ng mga hayok sa laman? Tapos ay may ina pang...
"Ginahasa ako ng ka-live in ng nanay ko. Katorse anyos ako noon. Pinasok ako sa banyo habang naliligo. Wala ang nanay ko ." (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended