^

True Confessions

Mga Mata sa butas (Ika-27 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

GABI na nang umalis kami ni Dado sa Philippine Embassy. Ayaw pa kaming paalisin ni Mely sapagkat wala na naman daw siyang makakausap pero tapos na ang dalaw at pinalalabas na ang mga tao sa embassy.

"Kasama mo naman si Pacita di ba?" tanong ko.

"Nakalulungkot kapag kaming dalawa lang ang nag-uusap."

"Di bale at ilang araw ka na lang naman dito."

"Kapag nakaalis na ako rito, lagi n’yong dalawin si Pacita. Nakakaawa naman siya. Pakiusap Pepe," nagmamakaawa ang tinig ni Mely.

"Taga-saan ba siya sa Pinas?"

"Sa Laguna."

"Ano ang balita sa walanghiya niyang amo?"

"Iniimbestigahan pa raw."

"Sige at ako na ang bahalang gumawa ng paraan kung ano ang maitutulong sa kanya."

"Salamat Pepe. Inumpisahan mo na rin lang ang pagtulong sa akin, idamay mo na pati si Pacita."

Tumango ako. Umalis na kami ni Dado.

Na-repatriate si Mely at tinupad naman ni Dado ang pangakong kasama siya sa pag-uwi ng dalaga. Sabi ni Dado, hindi siya babalik sa Saudi hangga’t hindi sila kasal ni Mely. Ako raw ay isa sa mga ninong.

Tinupad ko rin naman ang pangako kay Mely na tutulungan si Pacita. Hindi ko alam kung bakit ang isang tulad kong "bosero" ay nahantong sa pagtulong sa mga babaing kapuspalad. Siguro’y ito ang parusa sa mga ginawa kong pamboboso sa mga anak ni Eba.

Pero kung mas masaklap ang kuwento ni Mely na ni-rape ng among Kuwaiti mas matindi ang kay Pacita.

Iyan ang ikukuwento ko. (Itutuloy)

ANO

AYAW

BATAY

MELY

PACITA

PAKIUSAP PEPE

PHILIPPINE EMBASSY

SA LAGUNA

SALAMAT PEPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with