Mga Mata sa butas (25)
May 23, 2005 | 12:00am
MABILIS ang pangyayari kina Dado at Mely. Iyon yata ang tinatawag na "love at first sight". Hindi na mabaklas si Dado sa tabi ni Mely sa may ilang oras na nanatili kami sa Philippine Embassy. Tinamaan nang husto si Dado kay Mely. Pasado alas-singko ng hapon nang umalis kami sa embassy.
Masayang-masaya si Dado nang nasa sasakyan na kami. Nag-taxi kami pauwi sapagkat malayo ang embassy na noon ay nasa may Olaya District pa.
"Mabilis ka pala sa tsik Dado," sabi ko.
Ngumiti lamang si Dado.
"Totohanan na ba yan?"
Tumango.
"Ayos!"
Kinabukasan, nagtungo sa kuwarto ko si Dado.
"Pepe, samahan mo ako punta uli tayo sa embassy. Dalawin natin si Mely."
Napakamot ako sa ulo. May mahalaga akong gagawin ng araw na iyon. Pero hindi ko kayang tumanggi kay Dado. Isa pa, isa ako sa naglapit sa kanya kay Mely.
"Anong oras tayo pupunta?"
"Pagkalabas natin ng office."
"Sige."
Bago kami nagtungo sa embassy ay nagdaan kami sa Batha at bumili ng pasalubong si Dado kay Mely. Ubas at chocolates ang binili niya.
"Kawawa naman ang sinapit ni Mely, Pepe " sabi sa akin nang nasa taxi na kami.
"Meron pa ba siyang ibang naranasan bukod sa tangkang panggagahasa sa kanya, Dado?"
"Meron."
"Ano?"
"Na-rape na pala siya noon nang manyakis niyang amo. Hindi lang daw niya ipinagtapat pero ang totoo, isang buwan pa lamang siyang naninilbihan, sa mga walanghiya e ni-rape na siya ng manyakis "
Gimbal ako. Kawawang Mely.
"Wala raw siyang nagawa sapagkat papatayin siya. Ang masakit nga, kasabwat pa ang amo niyang babae. Hindi raw niya alam kung anong klase ang babaing iyon at tuwang-tuwa kapag nakikitang ginagalaw siya ng asawa. Bukod doon sinasaktan siya ng among babae. Masyado raw sadista."
"Kawawa pala talaga siya."
"Noon pa raw niya gustong tumakas pero walang pagkakataon. Minsan daw naisip niyang tumalon sa bintana o kayay magbigti. Mabuti raw takot siya sa Diyos."
Lalo akong nakadama ng awa kay Mely.
"Pero sa kabila nang karanasan ni Mely, mahal mo talaga siya?" tanong ko.
Tumango si Dado.
"Hindi naman niya kagustuhan iyon."
Humanga ako kay Dado.
Itutuloy

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended