Wise ang Briton, naisip ko. Dalawa ang hangad niya kaya ginawa iyon, una, para matikman ang Indonesian at ikalawa, pangnegosyo. Kikita siya kapag naisapelikula na ang sex match nila. Pagdating sa London, ibebenta niya at sigurado na ang pera. Baka mas malaki pa sa kinikita niya sa Saudi Arabia.
Tutok na tutok ako sa ginagawa ng dalawa. Nagsisi pa ako kung bakit hindi ko nagawa noon pa na araw-arawin ang pagsilip sa kontrobersiyal na unit. Maraming nakaligtas na magandang panoorin sa akin. Sayang talaga.
Eksaktong natapos ang session ng dalawa ay dumating ang boss kong Saudi galing sa banko. Wala siyang nahalata na marami na akong napanood.
Kinabukasan ay lumabas muli si Boss. Dali-dali kong kinuha ang binocular at sumilip sa unit.
Tulog ang Indonesian at nakahilata sa kama. Wala pang customer. Maaga pa kasi.
Nang sumilip ako pagkaraan ng 15 minutes ay may kaulayaw na ang Indonesian. At gusto kong mapahagakgak sa tawa sapagkat ang kaulayaw ng Indonesian ay ang boss kong Saudi.
(Itutuloy)