^

True Confessions

Mga mata sa butas (Ika-10 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

MASYADONG nagiging mahiwaga sa akin ang maid na Indonesian. Pagkaraan kong makita ang pakikipagtalik niya sa among Egyptian, ang mga sumunod kong nakita ang mas lalo pang nagpagimbal sa akin. Bukod sa amo, marami pa palang lalaki ang mahilig na maid. "Pokpok" pala ang Indonesian. Kinakalakal ang kapirasong laman. Ginagawa iyon ng maid kapag wala siyempre ang mga amo. Nangyayari iyon kung Huwebes.

Mula alas-otso ng umaga ay nagsisimula na akong manood sa nangyayaring session sa katapat na unit. Iba-ibang lalaki, may Indian, Pakistani at may Briton. At pagkatapos ng session, nakikita ko ang pagbabayaran. Talaga palang propesyunal na pokpok ang Indonesian. Nag-apply na domestic helper pero front lang pala niya iyon. At tiyak ko mas malaki ang kita niya sa pagpopokpok kaysa sa pagiging DH. Sideline lamang niya ang pagdi-DH. Hinulaan kong 100 riyals ang "taga" niya sa bawat session niya o baka mas malaki pa roon. Malaki ang 100 riyals. Kung makalimang lalaki siya, maliwanag na 500 riyals iyon. At magkano lamang ang sahod niya isang buwan bilang DH, malaki na ang 700 riyals.

Masyado akong nasabik sa mga nangyayari sa katapat na unit. At hindi na ako nakapaghintay pa ng Huwebes sa kasabikan.

Nang minsang lumabas ang boss kong Saudi para magtungo sa banko isang umaga ay mabilis kong kinuha ang aking binocular sa drawer at pumuwesto ako sa bintana. Sinilip ko ang nangyayari sa katapat na unit.

Diyakpat sapagkat ang kaulayaw ng Indonesian ay ang Briton. At matindi sapagkat habang nag-uulayaw ay kinukunan pa ng video.

Itutuloy

BATAY

BUKOD

DIYAKPAT

GINAGAWA

HINULAAN

HUWEBES

ITUTULOY

KINAKALAKAL

MALAKI

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with