^

True Confessions

Mga moto sa butas (Ika-3 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

ANG pagkagulat ko sa nakitang ginagawa ng Araba ay biglang nauwi sa pagkasabik. Halos hindi na ako kumukurap sapagkat sayang ang panoorin. Malinaw na malinaw. Unang pagkakataon na makasaksi ng ganoon. Totoo pala ang mga narinig ko sa aking mga kasamahan. May mga Araba na nag-aahit ng "ano" nila. Noong una ay hindi ako makapaniwala pero nang makita ko ang ginagawa ng magandang Araba, tunay na tunay pala.

Sarap na sarap ako sa panonood nang biglang tumayo ang Araba at kasunod ay ang pagkamatay ng ilaw. Patay! Hinayang na hinayang ako. Naisip ko, baka nakatunog ang Araba na may namboboso sa kanya kaya pinatay ang ilaw. Nakiramdam ako. Hindi ako gumagalaw sa kinatataguan ko sa may bintana.

Naisip ko naman baka pupunta lang sa banyo at ilalagay sa basurahan ang mga inahit ng Araba. At kaya pinatay ang ilaw ay sapagkat baka nakakaistorbo sa asawang natutulog. Puwede.

Naghintay ako sa mga susunod pang gagawin ng magandang Araba. Aaminin ko, may nalikhang "init" sa aking katawan ang ginawa ng Araba. Sa katulad kong malayo sa asawa, mabilis umalma ang aking pagkalalaki. Pero kaya kong pigilin at hindi gumagawa ng lampas doon na maaaring ikapahamak ko. Talagang ang gusto ko lang ay "makapamboso" sa mga Eba.

Muling nabuhay ang ilaw. Tama nga marahil ang hula ko na ang mga inahit ng magandang Araba ay inilagay lamang sa basurahan sa labas.

Muling naupo ang Araba sa kama. Tutok na tutok muli ako. Napagtuunan ko ng pansin ang maganda at makinis na kutis ng Araba. Pati ang itinatago niya ay malinaw na malinaw. Paano’y nawala na ang gubat na nakatakip doon. Nakalbo na ang gubat na maihahalintulad sa isang ulong pinagdamutan ng buhok.

Nakita kong inahit pa ng Araba ang ano niya. Sinaid pa ang mga natira sa kagubatan. Lalong napakagandang panoorin.

Hanggang sa makarinig ako ng sunud-sunod na katok sa pinto. Balikwas ako.

Itutuloy

vuukle comment

AAMININ

AKO

ARABA

BALIKWAS

BATAY

EBA

HANGGANG

HINAYANG

NAISIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with