NAKANGITI nang todo si Ninang Joy nang makita ko sa salas. Nakaupo siya at katabi si Mama. Si Mama ay masayang-masaya. Tiyak ko, mas lalo pa sigurong magiging masaya kapag nalaman niya ang lahat tungkol sa amin ni Ninang Joy.
"Ang tagal mo namang lumabas," sabi ni Mama. "Kakahiya kay Joy."
"Hindi naman Mama, este Nanay Caring pala," nadudulas na si Ninang Joy.
"Ang sakit kasi ng tiyan ko, Ma," sabi ko. Hindi ko tinitingnan si Ninang. Nahalata iyon ni Mama.
"Hindi mo man lang ba babatiin si Joy?"
"Hi, Ninang," sabi kong walang sigla. Siyempre tuloy ang pag-aartista ni Eric Boy.
"Hi," sagot naman ni Ninang na isa ring magaling na artista.
Tumayo si Mama.
"Kukuha lang ako ng biscuit at juice. Eric kausapin mo si Joy."
Sinamantala ko ang pagkakataong iyon.
"Sasabihin na ba natin? Nahihirapan na akong umarte eh," sabi ko kay Ninang.
"Ikaw ang bahala."
"Paano ko sasabihin?"
"Umisip ka ng paraan."
"Tulungan mo ako."
Nakita namin ang paglapit ni Mama. Nakalagay sa tray ang juice at biscuit.
"Ma di ba sabi mo kahapon, duda sa akin si Ninang?"
Nakamaang si Mama. Tila hindi malaman ang isasagot.
"Anong duda?"
"Sabi mo duda sa akin si Ninang kung ako ay lalaki o bading "
Hindi makasagot si Mama. Nabigla.
"Ipakikita ko sayo Ma na hindi ako bading "
"Anong gagawin mo?" nakamulagat si Mama.
Inakbayan ko si Ninang Joy at hinalikan ko sa labi. Mariin. Matagal. Nalalasap ang sarap.
"Ano Ma? Bading ba ako o hindi?" sabi ko matapos bitiwan si Ninang.
"Naku kakahiya kay Joy. Bakit mo ginawa iyon Eric?"
"Ma, okey lang sa akin," sabi ni Ninang.
"Hindi ka nagagalit?"
"Hindi Ma."
Natulala si Mama.
Hinalikan ko muli si Ninang sa labi.
"Ano Ma? Anong masasabi mo?"
"Putris ka Eric. Kailangang pakasalan mo yan."
"Talagang magpapakasal na kami ni Ninang, Ma."
"Bat ang bilis yata."
"Di ba yon ang gusto mo?"
Itutuloy