^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-104 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

PINAHINTO ko ang taxing sinasakyan namin sa kanto ng Bustillos at Lardizabal. Takang-taka si Ninang Joy kung bakit ko ginawa iyon.

"Hindi pa rito ang sa inyo, ba’t mo pinahinto Eric?"

"Baba na tayo," pabulong kong sabi. Nakatingin sa amin ang driver.

"Bakit nga?"

"Basta bumaba ka."

Bumaba. Binayaran ko ang nakarehistro sa metro. Umalis na ang taxi.

"Mauuna ako sa bahay at saka ka sumunod."

"Bakit na naman?"

"Para masunod ang nasa script, he-he-he!"

"Baka hindi ko na matandaan ang bahay n’yo. Sabi mo narenovate na."

"Deretsuhin mo lang. Pag nakita mo ang abandonadong building sa kaliwa, nasa tapat niyon ang aming bahay. Puti at asul ang pintura. Makikita mo agad. Okey?"

"Sige na nga…"

"After fifteen minutes sumunod ka ha?"

"Opo."

Lumakad na ako.

Nasa salas si Mama nang dumating ako. Nakaupo siya at nagtatalop ng patatas. Lumapit ako at nagmano. Walang reaksiyon kahit nagmano ako. Ipinagpatuloy ang pagtatalop sa patatas.

Nagtungo ako sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref. Nagsalin sa baso at uminom. Tahimik sa buong bahay. Wala marahil ang mag-anak ni Michael. Ipinasok ko ang plastic ng tubig sa ref. Naramdaman ko ang pagpasok ni Mama. Kumuha ng plato.

"Nasaan sina Michael ‘Ma?"

Hindi sumagot. Talagang matindi ang tampo. Bumalik sa salas.

Hindi pa marahil nakauupo sa sopa si Mama ay may tumawag sa labas.

"Tao po! Nanay Caring! Nanay Caring!"

Eto na ang artista. Hndi ko malaman kung bakit binabayo ng kaba ang dibdib ko.

Itutuloy.

AKO

BAKIT

BATAY

BINAYARAN

BUMABA

BUMALIK

KUMUHA

NANAY CARING

NINANG JOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with