^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-103 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

"BAKLA ka nga siguro kaya kahit na nagpapakita na ng motibo sa’yo si Joy e hindi mo mapatulan," sabi ni Mama na tila naniniwalang "berde" nga ang dugo ko. Si Ninang Joy kasi ang may kasalanan. Dinagdagan ang nasa script namin. Nagduda pa palang bading ako.

"May bading ba naman na maskulado ang katawan," sabi ko kay Mama.

"Naku, ‘yan ngang malalaki ang katawan ang nakapagdududa."

Tumawa ako.

"Di ako bading ‘Ma. Hindi ko lang talaga gusto si Ninang. Iyon lang."

"Nangako ka sa akin di ba? Sabi mo nagugustuhan mo na rin si Joy."

"Hindi pala ‘Ma. Mali pala ang damdamin ko. Hindi ko pala siya gusto."

"Sayang ang hirap ko sa pagligaw kay Joy. Sayang talaga."

"Maghahanap ako ng iba ‘Ma. Bago ako umalis patungong Saudi, may asawa na ako at tiyak magugustuhan mo siya."

"Gusto ko’y si Joy. Kung mag-aasawa ka rin lang at hindi si Joy, huwag ka nang mag-asawa. Magburo ka na lang," sabing seryoso.

"Tiyak magugustuhan mo ang magiging asawa ko ‘Ma."

"Huwag mo na akong kausapin," sabi at mabilis na umalis. Pumasok sa kanyang kuwarto.

Gusto kong habulin at ibigay ang pasalubong kong mamahaling alahas pero mabilis na nakapasok sa kuwarto at naisara nang pabalabag ang pinto.

Hindi lumabas si Mama sa kuwarto. Hinayaan ko.

Kinabukasan, maaga akong umalis para sunduin si Ninang sa hotel. Hindi pa rin naman lumalabas si Mama sa kuwarto niya. Matindi pa rin ang tampo sa akin.

Nakahanda na si Ninang Joy nang dumating ako sa hotel.

"Tamang-tama ang nangyari Ninang."

"Anong tamang-tama?"

"Nagtatampo si Mama."

"Bakit?"

Ikinuwento ko ang mga nangyari.

"Halika na nga sa inyo Eric at nang matapos na ang kuwentong ito."

Umalis na kami. (Itutuloy)

AKO

ANONG

BAKIT

JOY

NINANG

NINANG JOY

SAYANG

SI NINANG JOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with