^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-95 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA) WALA na kaming problema ni Ninang Joy sapagkat si Mama na rin ang lumutas niyon. Ang kailangan na lang ay kaunti pang pag-aartista para lumabas na talagang nagligawan kami sa Saudi.

"Alam mo natutuwa ako sa nangyayaring ito Eric," sabi ni Ninang na bakas sa mukha ang kaligayahan.

"Ako man Ninang. Noon e hindi ko rin malaman kung paano ang gagawing pagsasabi sa relasyon natin."

"Ang magiging problema na lang natin ay hindi tayo magkakaanak," sabi ni Ninang at bahagyang nalungkot.

"Sabi ko naman sa’yo walang problema kung hindi tayo magkaanak. Ang mahalaga sa akin, magkasama tayo at maligaya sa lahat ng oras. Tama na sa akin ‘yon."

"Kasi’y ang anak daw ang nagpapaligaya sa mag-asawa," sabi at yumakap sa akin.

"Totoo nga siguro iyon pero wala tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan."

"Hindi ka kaya magsawa at maghanap ng iba?"

Naitanong na niya sa akin iyon noon.

"Narito na naman tayo. Hindi ako magsasawa sa’yo," sabi ko.

"Kasi ‘yung ibang lalaki ang sinasabi kapag hindi sila nagkaanak, tanim daw nang tanim e wala namang namumunga. Kaya ang ginagawa e sa iba nagtatanim."

"Sa iyo lang ako magtatanim at kahit walang bunga okey pa rin sa akin."

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Sana ay noon pa tayo nagkagustuhan ano?" sabi at bahagyang lumuwag ang pagyakap.

"Noon pa naman talaga kita gusto e kaya lang bata pa ako noon."

"Ba’t hindi mo sinabi sa akin?"

"Bata pa nga ako noon. Maliit pa si "Birdie"."

Napahagikgik si Ninang.

"Ngayon dambuhala na," sabi at muling humagikgik.

"Pero alam mo bang matagal ko nang nakita ‘yang itinatago mo?" sabi kong pabulong sa kanya.

"Ay bastos! Paano mo naman nakita?"

"Sinisilipan kita sa banyo."

"Ay ang bastos nito!"

"May bakanteng kuwarto sa tabi ng banyo di ba? Doon ako nakapuwesto at pinanonood ang ginagawa mo."

"Pilyo ka talaga ano Eric?"

"Medyo lang."

"Anong nakita mo?"

"Ano pa e di gubat…"

Napahagalpak ng tawa si Ninang.

AKIN

AKO

ALAM

ANO

KASI

NINANG

NINANG JOY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with