Ninang Joy (Ika-88 labas)
April 8, 2005 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)
HINDI ko inilihim kay Ninang Joy ang mga pinag-usapan namin ni Mama. Sinabi ko pati ang hiling ni Mama na sulatan niya o tawagan. At nakadama na naman siya ng takot. Nag-expect na naman ng masamang mangyayari.
"Hindi kaya ako murahin ni Nanay Caring?"
"Umandar na naman ang pagkanegatibo mo. Basta ang alam ko, matutuwa pa si Mama dahil ikaw ang naging dyowa ko."
"Paano ba ang gagawin kong pagtawag?"
"Sulatan mo na lang kung nahihirapan ka. Sa sulat hindi mahahalata ang ikinikilos mo."
"Babanggit ako ng tungkol sayo?"
"Siyempre pero sabihin mo lang kung paano tayo nagkita."
Napatangu-tango si Ninang. Kumbinsido sa plano ko para sa unti-unti naming pagpapakilala sa nabuo naming relasyon.
"Unti-unti nilang malalaman ang lahat."
"Basta ikaw na ang bahala sa akin Eric," sabi ni Ninang na para bang ipinaubaya na sa aking mga kamay ang tungkol sa aming relasyon. Iyon naman ang gusto ko sa isang babae, ang isinusuko nang bung-buo ang sarili.
Isang gabing dumating ako mula sa trabaho ay masayang-masaya si Ninang. Hawak niya ang sulat ni Mama.
"Sinagot na ako ni Nanay Caring, este Mama pala."
"Anong sabi?"
"Gulat na gulat daw siya. Matagal na raw niyang hinihintay na sumulat ako."
"Sinabi mo ang mga nangyari sayo sa US?"
"Oo. Kung ano ang kinuwento mo kay Mama iyon din ang sinabi ko."
"Ang pagkikita natin dito?"
"Sabi ko nagkita tayo sa shopping center dahil bibili ka ng brief," sabi at humagikgik.
Napahagikgik din ako.
"Sabi ko pa kay Mama, tuwang-tuwa ako nang magkita tayo. Sinabi kong sa isang private hospital ako nagtatrabaho at okey naman."
"Sinabi mong "nag-iisa" ka pa rin."
"Hindi na ako bumanggit nang tungkol doon. Kasi lalabas na nagsinungaling ako. Baka maisumbat pa sa akin kapag nagkaharap na kami."
Tama si Ninang. Mabuti pa ngang huwag nang magkuwento.
"Ano pang sinabi mo?"
"Sabi ko kapag nagbakasyon ako, hindi ko malilimutang pumunta sa Lardizabal."
Doon natapos ang sulat ni Ninang. Dama ko ang kaligayahang nadama niya sa sulat na iyon. Unang hakbang para lubusang mapalapit sa aking ina. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended