MAAARI na kaming makapunta ni Ninang Joy sa mga lugar na gusto naming puntahan dahil sa pagkakaroon ng pekeng marriage certificate. Maaari na rin kaming kumain sa mga Pinoy restaurant sa Batha na gusto namin. Sa mga restaurant sa Saudi ay may nakalaang puwesto para sa pamilya lamang. Siyempre sa pampamilya kami.
"Walang huli di ba? tanong ko habang kumakain ng paboritong sinigang na isda.
"Oo na. Bilib na ako sayo?"
"Maganda sana kung may sinehan dito ano?"
"Mahirap magkaroon ng sinehan dito. Masyado kasi silang nakakapit sa kanilang kultura at relihiyon."
"Pero bakit sa UAE maluwag. Doon ay puwedeng uminom ng alak." "Iba nga rito sa Saudi Eric."
"Okey din sana kung may motel dito ano?" sabi ko.
"Parang sanay na sanay ka nang magmotel "
"Hindi ah. Ni hindi ko pa nga alam kung anong itsura ng loob ng motel e."
"Akala ko eksperto ka na."
"Selos ka naman."
Pinandilatan ako ni Ninang.
Pero kahit na may pekeng papeles na kami, nasa isip pa rin ni Ninang ang takot.
"Huwag tayong mag- papagabi Eric malay mo baka may matalinong mo-tawa na mahalata ang peke."
"Nagpapatawa ka naman. Mahihina ang ulo ng mga motawa. Karamihan nga ay mga walang pinag-aralan."
Pagkatapos naming kumain ay sa isang tida- han ng mga sapatos na panglalaki kami nagpunta. Si Ninang ang nagyaya roon.
"Sinong ibibili mo ng sapatos?" tanong ko.
"E di ikaw sino pa?"
"Wow naman!"
"At saka brief."
"Wow naman."
Lalo kong minahal si Ninang. (Itutuloy)