^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-75 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

MINSAN nagyaya ako sa Batha. Noon ay Huwebes ng gabi. Araw ng pasyal ng mga OFWs sa Batha para mag-shopping at makipagkita sa mga kababayan at kaibigan.

"Punta tayo sa Batha. Kumain tayo sa Pinoy restaurant doon," sabi ko habang hinuhubad ang sapatos. Kararating ko galing sa trabaho.

"Ayoko," sagot ni Ninang. May kinukuha siya sa ref.

"Bakit naman?"

"Baka mahuli tayo ng motawa. Delikado ngayon dahil naghihigpit sila. Pati iqama tinitingnan."

Oo nga pala. Nalimutan ko wala pa nga pala kaming papeles. Delikadong mahuli. Kulong kami pag nagkataon.

"E di mamasyal na lang tayo. Kapag may nakita tayong motawa, maghiwalay tayo sa paglalakad."

"Delikado, Eric."

"Hindi. Tara na."

"Bahala ka!"

Umalis kami. Habang tumatakbo ang kotse ay nahalata kong kinakabahan si Ninang. Patingin-tingin sa labas.

"Natatakot ako, kasi ‘yung kasamahan ko sa ospital, muntik nang mahuli ng motawa habang kasama ang "ano" niya. Mabuti na lang nakatakbo sila at nailigaw ang motawa."

"E siguro halatang-halata ang pagpapanggap nila. Huwag tayong magpapahalata."

"Baka mahuli at makulong tayo, sige ka."

"Hindi. Bakit ba masyado kang negative. Dati naman hindi."

Hindi sumagot si Ninang. Nanatili sa pagkakatingin sa labas.

Nakarating kami sa Batha. Lalo nang naging kapansin-pansin ang pagiging matatakutin ni Ninang nang bumaba kami ng kotse. Ipinarada ko sa likod ng Batha Hotel, malapit sa post office, ang kotse.

"Easy ka lang. Huwag kang pahahalata," sabi ko.

"Bahala ka na nga," sabi at sumabay sa akin.

"Basta’t kapag sinabi kong takbo, takbo ka agad ha."

"Eric ha, puro ka biro."

"Easy lang, Ninang."

Papasok na kami sa tindahan ng alahas nang may tumawag sa akin. Kinabahan ako. Si Ninang man ay natuliro.

Itutuloy

ARAW

BAHALA

BAKIT

BATHA

BATHA HOTEL

DELIKADO

HUWAG

NINANG

SI NINANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with