Ninang Joy (Ika-74 labas)
March 23, 2005 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)
PERO ang nakita kong kislap ng kaligayahan sa mga mata ni Ninang Joy ay agad nahalinhan ng lungkot.
"O bakit nalungkot ka agad?" tanong ko. "Akala ko ba okey na sa iyo ang plano na pag-uwi natin pakakasal tayo?"
Sumubsob sa dibdib ko. Kinabig ko ang ulo. Nalanghap ko ang mabangong buhok.
"Me problema pa ba?"
Umalis sa pagkasubsob sa dibdib ko at ginawang unan ang aking braso.
"Anong problema?" tanong ko muli nang ayaw pang magsalita.
"Iniiisip ko kung paano haharap kay Nanay Caring," sabi sa mahinang boses. Si Mama pala ang iniisip. Mahirap nga para sa kanya ang sitwasyon.
"Problema ba yon?" tanong ko para lang payapain ang kalooban niya.
"Sayo di problema pero sa akin, malaki."
"Mabait naman si Mama."
"Alam ko. Pero parang hindi ko kayang humarap sa kanila. Anong sasabihin nila sa akin?"
"Baka matuwa pa si Mama."
"Pano mo nalaman?"
"Basta."
"Anong gagawin natin? Paano mo sasabihin na mag-ano tayo?"
"Akong bahala."
"Hindi kaya magkaroon ng pagbabago ang samahan namin ni Nanay Caring."
"Hindi. Akong bahala. Dont worry."
"Tiyak magtataka sila kung bakit ako nagkaganito. Ang alam nila, nasa US ako."
"E di ngayon pa lang unti-untiin ko na sila. Sabihin ko kay Mama na narito ka sa Riyadh at nagkita na tayo. Di ba mas maganda para hindi sila mabigla."
Nag-isip si Ninang Joy. Payag sa naisip ko.
"Kapag iniuwi kita sa amin, hindi na sila mabibigla. Di ba?"
Muling sumubsob sa dibdib ko. Kinabig ko ang ulo at nalanghap ko muli ang mabangong buhok. Maligayang-maligaya ako sa piling ng babaing ito. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended