"Wala Ninang."
"Ikaw talaga. Teka at kukuha ako ng gamot "
Umalis si Ninang Joy sa pagkakaupo sa gilid ng sopang kinahihigaan ko. Maya-maya ay bumalik dala ang gamot.
"Eto inumin mo. Teka, kumain ka na ba?"
Umiling ako.
"Ikaw talaga. Malilipasan ka ng gutom at magkakasakit ka talaga niyan," sabi at umupo uli sa tabi ko.
"Nalimutan kong kumain dahil sa pagmamadali patungo rito," sabi ko at bahagyang tumagilid.
"Gagawa ako ng cornsoup. Mabuti para sa nilalagnat. Sandali lang iyon " umalis si Ninang. Sandali nga lang dahil pagbalik ay dala na sa cup ang sopas.
"O medyo bumangon ka muna at higupon mo ito. Tapos after fifteen minutes inumin mo ng itong gamot."
Bumangon ako at humigop. Masarap. Mainit.
"Bakit kasi sumugod ka agad. Kasalanan ko pa kapag lumubha ang sakit mo."
"Wala ito Ninang..." sabi ko at humigop uli. Ang sarap!
"Akala ko kanina, bahagyang sinat lang kasi namamalat ka."
"Mahina kasi ako sa lamig Ninang. Nagpapalit na ang klima."
"Sige ubusin mo na yan at inumin mo ang gamot. Teka at kukuha ako ng tubig," umalis muli at pagbalik ay dala na ang tubig.
Inubos ko ang soup at isinunod ang gamot.
"Sige umayos ka na ng higa. Teka at ikukuha kita ng unan," nang kukuha na ay nagtanong muli. "Gusto mo ba rito o sa kama?"
"Kahit saan Ninang "
"Mas mabuti sa kuwarto na. Dito expose sa hangin, masama sa may lagnat. At saka baka pagpawisan ang likod mo delikado. Halika doon sa kuwarto " Bumangon ako. Mahina talaga ang katawan ko.
"Humawak ka sa akin Eric," iniabot ang kamay. Humawak ako. Masakit ang katawan ko. Matindi ang tumama sa akin.
"Ang init mo. I-check ko ang temperature mo mamaya. Kapag hindi pa yan bumaba pupunasan na kita."
Dahan-dahan akong inakay ni Ninang patungong kuwarto. Kahit na matindi ang init ng katawan ko, matalas pa rin ang pang-amoy ko. Mabango si Ninang. Sadya kayang nagpabango?
Nakarating kami sa kuwarto niya. Malaki ang kuwarto. Mas malaki kaysa sa dating tirahan niya. Malaki pala ang kama niya. Pang-double.
"O dahan-dahan ang paghiga," sabi at inalalayan ako. Ang bango ni Ninang.
Malambot ang kama. Masarap sa likod.
"Teka at kukunin ko ang thermometer " sabi at umalis.
Nang bumalik ay hilo na ako. Gusto ko nang matulog.
"Ilagay ko sa kilikili mo itong thermometer "
Ibinukas niya ang butones ng polo ko. Nang maalis ay ipinabuka ang kilikili ko iniipit doon ang thermometer.
"Alisin ko ang sapatos mo "
Tumango ako. Inalis ni Ninang.
At hindi ko na alam ang mga sumunod pa.
(Itutuloy)