^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-59 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

ANG tatlong buwang pagkaka-destino ko sa Jubail ay katumbas ng dalawang taon o mahigit pa. Pakiramdam ko’y napakabagal lumipas ang oras. Mabuti na lang at libangan ko ang mag-gym.

Iba sa Riyadh kahit na marami ang nagsasabing mahigpit ang mga motawa o religious police. Hindi ko maipagpapalit kahit na matindi ang singaw ng init kung Hunyo at Hulyo.

Huling araw ko sa Jubail. Halos hatakin ko ang mga oras para makabalik sa Riyadh.

Si Joey ay maraming ibinalita sa akin. Agad siyang nagpunta sa aking kuwarto nang malamang dumating na ako.

"Kumusta Pards?" tanong ko kay Joey.

"Ayos lang."

"Marami ba akong sulat Pards?"

"Marami. Teka at kukunin ko lang sandali sa aking kuwarto. Ipapasok ko sana rito sa kuwarto mo kaya lang, baka pakialaman ng janitor na Sri Lankan."

"Marami ba?"

"Oo."

Umalis si Joey at pagkaraang ng ilang sandali ay bumalik at dala na ang bundle ng sulat. Marami nga. Hula ko galing kay Mama, Michael at pamangkin ko.

"Eto Pards…" sabi ni Joey at iniabot ang mga sulat.

Ipinatong ko iyon sa ibabaw ng center table.

"Siyanga pala, nang umalis ka patungong Jubail, may tumawag ditong babae. Joy ang pangalan. Hinahanap ka…"

"Si Ninang Joy?"

"Ninang mo?"

"Oo. Anong sabi?"

"Walang sinabi. Basta nang sabihin kong wala ka at nasa Jubail, ibinaba na ang phone."

"Sayang!"

Napatingin sa aking may kahulugan si Joey.

"Ninang mo ba talaga iyon Pards?"

"Oo."

Kinabukasan ng umaga ay agad akong tumawag kay Ninang Joy. Pero matagal akong dumayal subalit walang sumasagot. Inulit ko uli. Wala talaga. Ikatlong attempt ay may sumagot na. Lalaki. Supervisor daw siya ng housing. Tinanong ko si Ninang Joy.

Wala na raw. Nag-liveout na raw.

Gimbal ako. (Itutuloy)

ETO PARDS

JUBAIL

KUMUSTA PARDS

MARAMI

NINANG

NINANG JOY

OO

RIYADH

SI JOEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with